Sisidlan ng mga natatagong alaala: Nakagamit ka na ba ng antigong maleta?

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ng isang antigong maleta na ibinahagi ng isang netizen
  • Ang maleta ay isang uri ng sisidlan o lukbutan na gawa sa plastik o bakal na lalagyanan ng mga damit o gamit kapag maglilipat o maglalakbay
  • Sa kasalukuyan, may mga gulong na ang ilang mga maleta at iba–iba pa ang laki at kulay

Kahit na makabago na ang panahon ngayon, naiiba pa rin sa pakiramdam kapag may isang makaluma o antigong gamit o kasangkapan na naitatago o iniingatan ang isang tao, na maaari niyang maipagmalaki sa kaniyang mga anak, mga apo, at sa ibang mga salinlahi. Kaya naman malaki ang halaga ng mga antigong kasangkapan na binibili ng mga mahilig mangoleksyon nito.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ni Sadiri Dela Cruz sa Facebook page na “Memories of Old Manila” kung saan ipinakita niya ang larawan ng kaniyang antigong maleta.

Ayon sa kaniyang caption, “Ito ang aking gamit na maleta pagpunta ko sa Manila galing sa probinsiya noon. Gumamit ba kayo nito?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Namangha naman ang mga netizens lalo na ang mga “millennials” at “generation z” na ngayon lamang nakakita ng antigong maleta. Sabi ng isa, “Mukhang panahon pa po yata ng Titanic ang maleta na iyan. Iyong tipong pagbukas mo, may sasalubong na kamay sa iyo at hahatakin ka sa loob hahaha.”

“Puwede na po sa museo iyan, sir. Kidding aside, hindi ko iyan inabutan or siguro pawala na bago ako ipinanganak, pero sa totoo lang, gustong–gusto kong magkaganyan,” saad naman ng isa.

Kuwento naman ng isa pa, “Inabot ko pa ang ganyan gamit ng Tatay ko, way back 1972. Sosyal ka na raw noon kung ganyan ang gamit mo…”

Bago ang maleta, ang karaniwang ginagamit na lukbutan o sisidlan ng mga damit at gamit noon ng mga Pilipino ay “tampipi”. Nauso rin ang paggamit ng bayong, buslo o basket, o simpleng “kartonite” o kartong ginawang bag.

Sa kasalukuyan, bagama’t may mga maleta pa rin, mas makabago na nga lang itong tingnan. Kadalasang may trolleys na ito o gulong upang hindi na mahirapan pa sa pagbuhat, na kadalasang ginagamit kapag maglalakbay sa ibang bansa. Mas uso na rin ngayon ang mga backpacks o bag na inilalagay sa likuran.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…