Snooky Serna, nagbahagi ng throwback photo kasama ang mga anak

  • Nagbahagi ng throwback photo ang aktres na si Snooky Serna sa Instagram kasama ang kaniyang mga anak
  • Bumati rin siya ng manigong bagong taon sa mga kaibigan
  • Inaabangan ngayon si Snooky sa remake ng 1984 movie na Anak ni Waray at Anak ni Biday

Nagbahagi ang “Regal Baby” na si Snooky Serna ng throwback photo niya kasama ang dalawang anak na sina Samantha at Sachi.

Imahe mula sa Instagram | Snooky Serna

Sa post niya sa Instagram, makikita ang dalawa niyang anak na nakasuot ng Snow White costume. Saad niya, para sa isang holiday shoot daw ang naturang larawan kaya naman kinuha na rin niya ang pagkakataon upang bumati ng manigong bagong taon.

“We wish everyone a blessed, healthy, happy new year! Thank you for all your love and friendship. I love you with all my heart (You know who you are). May God continue to bless us all,” sabi niya sa caption.

Sa isang interview noon ay sinabi ni Snooky na proud siya sa dalawang anak sa dating asawa na si Ricardo Cepeda dahil mas pinahahalagahan daw nila ang career kaysa buhay pag-ibig. Successful daw ang mga ito sa kani-kanilang mga career at hindi muna nag-eentertain ng mga manliligaw.

Imahe mula sa Instagram | Snooky Serna

Sabi pa ni Snooky, napansin niya raw na ang mga millennials ay mas binibigyan ng pansin ang kanilang karera kaysa love life. Inamin niya na noon daw ay madali siyang nahuhulog sa mga nakakapareha at nanliligaw sa kaniya.

Masaya ngayon si Snooky sa relasyon niya kay dating Bulacan Vice Governor Ramon Villarama at marami raw siyang natututunan dito kagaya ng pag-iinvest at pagiging matalino sa paghawak ng pera.

Inaabangan ngayon ang remake ng Anak ni Waray at Anak ni Biday na pinagbidahan na rin ni Snooky noong 1984. Kasama niya noon sina Nida Blanca, Gloria Romero, at Maricel Soriano. Samantala, sa gagawing remake ay kasama naman niya sina Dina Bonnevie, Jay Manalo, Barbie Forteza, at Kate Valdez.

Loading…