Surpresa para kay lola: Payong na may mga datung

Imahe mula sa video ni Vergara Sherelyn Atienza via Facebook
  • Usap-usapan ngayon sa Facebook ang video na nagpapakita ng surpresa ng mga apo sa kanilang lola
  • Nakabalot pa sa pinagdikit-dikit na kahon ang regalo nilang payong ngunit hindi pa pala ito ang kanilang surpresa
  • Pagbukas ng lola sa payong na natanggap ay tumambad sa kaniya ang mga perang papel na pinag-ambag-ambagan daw ng kaniyang mga apo

Likas na sa mga Pilipino ang maging malapit sa mga miyembro ng pamilya, maging sa kanilang mga lolo at lola na nakasama na rin nila sa paglaki. Kaya naman maraming netizens ang natuwa sa ginawang surpresa ng mga apo sa isang lola para sa kaniyang kaarawan.

Imahe mula sa video ni Vergara Sherelyn Atienza via Facebook

Sa video na ibinahagi ni Vergara Sherelyn Atienza sa Facebook, na ngayon ay may 7.2k reactions at 1.9k shares na, ay makikita ang pagmamahal nila sa kanilang lola. Sabi niya sa caption, “Kakaibang surpresa para kay mama. Successful family surprise for our beloved lola! We love you so much mama.”

Sa simula ng video ay inawitan nila ang lolang si Bhaby Mila Malabanan ng “Happy Birthday” saka inilabas ang malaking regalo para sa kaniya. Maririnig ang hiyawan habang binubuksan niya ang regalo kaya naman curious na curious ang lola kung ano ang laman nito.

Natuwa siya nang makita ang laman nito na payong ngunit hindi lang pala ito ang kanilang surpresa dahil pagbukas niya rito ay tumambad ang mga nakasabit na mga tig P20, P50, 100, P500, at P1,000 na pera.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Labis ang kaniyang pasasalamat sa regalong natanggap. Sabi niya, “Salamat nang maraming marami. Sana marami pang birthday akong dumating. Pero matanda na ako eh. Baka apat na birthday na lang,” sabi niya. “Salamat. Happy New Year sa lahat.”

Happy birthday, lola Bhaby! Sana nga ay marami pang kaarawan ay dumating sa iyo dahil tiyak na hindi mauubusan ng pakulo ang iyong mga apo na  nagmamahal sa iyo.

Source :

Facebook

Loading…