Sweet: Tricycle driver na nagbigay ng surpresang milktea sa asawang hindi pa nakatitikim nito, nag-trending

  • Tricycle driver na nagbigay ng surpresa sa asawa, nag-trending sa social media
  • Binilhan niya ng milktea ang asawa
  • Sabi ng tricycle driver ay hindi pa nakatitikim ng milktea ang asawa

Trending ngayon sa social media ang isang may edad nang tricycle driver dahil sinurpresa niya ang kanyang asawa na hindi pa nakatitikim ng milktea.

Imahe mula sa Citea Milktea

Ang nakakikilig na kuwento tungkol sa tricycle driver na mapagmahal sa asawa ay ibinahagi sa Facebook page ng Citea Milktea.

Base sa post ng Citea Milktea, ang tricycle driver ang unang customer nito sa araw na yaon. Nagtanong daw ito kung mabilis lang gawin ang order niyang milktea. Ang paalam daw kasi nito sa asawang iniwan sa tricycle ay may kakausapin lang saglit, pero ang totoo ay susurpresahin niya ito.

Hindi pa raw kasi nakatitikim ng milktea ang kanyang asawa.

Ipinost ng Citea Milktea ang naging pag-uusap nila ng customer:

“Flex ko lang una kong customer.

Tatay: Saglit lang ba ‘yan?

Me: Opo

Tatay: Kase nag-aantay misis ko andun sa tricycle. Sarapan mo ha kase ngayon lang siya makakatikim ng milktea. Tapos ang sinabi ko sa kanya may kakausapin lang ako. Hindi ko sinabi na ibibili ko s’ya ng ganyan.”

Napasabi pa ang Citea Milktea na “true love exists” at “eto yung sana all talaga.”

Imahe mula sa Citea Milktea

Umabot na sa mahigit 55,000 ang nag-like, mahigit 2,000 ang comments at nasa 18,000 shares na ang nasabing post ng Citea Milktea tungkol sa sweet lover na tricycle driver.

Narito ang ilang komento ng mga kinilig na netizens:

“Love in the simplest way.” “People like tatay is a gem!” “ Little surprises that matters most.”

“Sweet, sana all.” “Ito yung legit na sana all. Full of surprises pa rin si Tatay!”

Source :

Facebook

Loading…