Taal eruption bunga ng “sumpa ng kasalanan,” tanda ng “second coming” ni Hesuskristo – Rep. Eddie Villanueva

  • Sinabi ni Rep. Bro. Eddie Villanueva na ang pag-erupt ng Taal ay bunga ng “curses of sins”
  • Isa rin umano itong palatandaan ng “Second Coming” ni Hesukristo
  • Si Bro. Eddie ay namahagi ng relief goods sa isang evacuation center sa Batangas at ipinanalangin ang mga evacuees

Naniniwala si Cibac Partylist Representative Bro. Eddie Villanueva na ang mga kalamidad na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang pagputok ng Bulkang Taal ay bunga ng “sumpa ng kasalanan” at isang palatandaan ng “second coming” ni Jesus Christ.

Imahe mula sa CDRRMO

Ang pahayag ng congressman na founder din ng Jesus is Lord Fellowship ay ginawa niya sa out of town session ng House of Representative sa Batangas noong Miyerkules, ika-22 ng Enero.

“Bago po tayo manalangin, para magkaroon ng significance ang ating dasal at pananalangin, maunawaan po natin na ang lahat ng kalamidad na ito at disaster ay bunga ng sinasabi ng Banal na Kasulatan — the curses of sins. Ang lahat po ng bansa sa buong mundo ay dumadanas nito, maging ang bansang Israel,” sabi ni Bro. Eddie bago matapos ang kanilang session.

“Ang sangkatutak pong disasters, calamities na dumarating sa iba’t ibang bansa katulad ng lind0l, katulad ng floods, katulad ng tsunami at lahat-lahat na po… ito po ay bahagi ng second coming of Jesus ayon sa Matthew chapter 24,” aniya.

Sabi ni Bro. Eddie, simple lang ang solusyon sa mga nararanasang kalamidad – magbalik-loob sa Panginoon at talikuran ang mga kasalanan.

Imahemula sa Facebook account ni Bro. Eddie Villanueva

“Kung tayong mga tinawag ng Panginoon sa Kanyang pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ang Kanyang mukha at tatalikod sa kanilang mga kasalanan, ang sabi po ng Diyos: ‘Ako, mula sa langit, pakikinggan ko ang inyong mga daing at pananalangin. Patatawarin ko ang inyong mga kasalanan at pagagalingin ko ang inyong bayan,” aniya.

Si Bro. Eddie, kasama ang CIBAC Partylist team ay personal ding na nagtungo sa isang evacuation center sa Tanauan, Batangas upang mamahagi sa mga evacuees hindi lang ng relief goods kundi maging ng Salita ng Diyos.

Imahe mula sa Facebook account ni Bro. Eddie Villanueva

Loading…