Taal Volcano nag-erupt, mga abong ibinuga umabot na hanggang sa ilang bahagi ng Maynila

  • Taal Volcano nag-erupt
  • Umabot sa isang kilometro ang taas ng ibinugang abo
  • Itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 3

UPDATE: Alert Level 4 na po as of 5:30 pm.

Umabot sa isang kilometro ang taas ng abo na ibinuga ng Taal Volcano nang pumutok ito dakong alas-dos ng hapon ngayong araw ng Linggo, ika-12 ng Enero.

Imahe mula sa Tagaytay CDRRMO

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), isa umanong phreatic eruption ang naganap. Nangyayari ito kapag napainit ng magma ang ground water na nagsasanhi ng halos biglaang pag-evaporate ng tubig at sisingaw na magreresulta sa pagbuga ng steam, mga bato at abo.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 na ang ibig sabihin ay ang magma mula sa loob ng bulkan ay malapit o nasa ibabaw na nito­ na maaaring matuloy sa mas mapanganib pang pagsab0g.

Sa ilalim ng Alert level 3, ang danger zone ay maaaring palawigin hanggang walong kilometro mula sa active crater.

“Magma is intruding from below. If eventually this will continue to move up, then there can be a magmatic eruption which is more dangerous,” sabi ni PHIVOLCS officer-in-charge Renato Soldium.

Kasalukuyang nararanasan ang ashfall sa mga lugar sa paligid ng Taal Volcano at maging sa ilang bahagi umano ng Metro Manila. Sa Cavite, malakas ang amoy ng sulphur dioxide.

Imahe mula sa Tagaytay CDRRMO

Mariing inirekomenda ni Solidum sa mga residente sa Taal Volcano island, lalo ang Barangay Agoncillo at Laurel na agad magsagawa ng paglikas.

“The volcano is inside a bigger crater or basin or bowl, which is why people would have to evacuate horizontally and away from the crater. There is water that would be hindering the rapid evacuation and that is why people need to get out of the island as soon as possible,” ani Solidum.

Ayon naman kay National Disaster and Risk Reduction Management Council spokesperson Mark Timbal, kasalukuyan nang lumilikas ang ma residente sa mga bayang pinakamalapit sa bulkan – ang San Nicolas, Balete at Talisay.

Nagbigay naman ng babala ang Department of Health sa masamng eopekto ng ashfall. Pinayuhan ang lahat na gumamit ng face mask, goggles at manatili sa loob ng bahay.

Advisory mula sa DOH

Loading…