Talo o panalo? Nakapaglaro ka na ba ng “Bingo”?

  • Ang paglalaro ng Bingo ay bahagi na raw ng kalinangan o kulturang Pilipino
  • Impluwensiya ito ng mga Amerikano sa Pilipinas noong panahon ng kanilang pananak0p
  • At dahil ito ay isang uri ng larong may tayaan, itinuturing umano ang Bingo na isang ilegal na gawain, lalo na kung ito ay nagdudulot ng kapinsalaan sa grupo ng mga tao

Isa sa mga kilalang larong panlibangan na maaaring makapagpanalo ng malaking halaga sa isa o mga kalahok nito ang “Bingo”. Mula sa mga lamayan, karaniwang pampalipas–oras ng mga nakatambay o nanay tuwing hapon, hanggang sa tema ng mga party o kasiyahan, peryahan, o maging sa mall,  lahat ay maaaring mag–enjoy sa paglalaro nito.

Public Domain Image

Ang larong Bingo ay impluwensiya ng mga Amerikano sa ating bansa. Isa itong “game of chance” kung saan mananalo ang sinuman batay sa pattern o padron na mabubuo na nakabatay sa mga numerong nakahanay o nakakategorya sa bawat akronim ng salitang “Bingo” na nakaimprenta sa card,na naaayon naman sa numerong makukuha o madadampot ng tagabola. Kapag nanalo, ang isisigaw ng kalahok ay “Bingo!”

Para sa letrang B, ang mga numerong nakapaloob ay 1 hanggang 15; para naman sa letrang I, nariyan ang 16 hanggang 30, sa letrang N naman ay mula 31 hanggang 45, sa letrang G ay mula 46 hanggang 60, at sa O naman ay mula 61 hanggang 75. Sa gitna nito ay nakalagay ang “Free”.

Isa sa mga nakaaaliw na bahagi ng paglalaro ng Bingo ay ang paraan ng pagtawag ng tagabola. Halimbawa, kung numerong 25 ang kaniyang nabunot, maaari niyang sabihing “Sa letrang I, Pasko!” na nangangahulugang “numerong 25” at kung sinabi niyang “Sa letrang B, palak0l!”, ang tinutukoy niyang numero ay pito o seven.

Public Domain Image

Bukod sa mga mabubuong pattern, inaabangan din sa Bingo ang “black out” o paunahang makuha at matawag ang lahat ng mga numero sa Bingo card na hawak ng isang kalahok. Kapag marami ang nanalo, karaniwang naghahati–hati sila sa cash prize.

At dahil ito ay isang uri ng tayaan, itinuturing umano ang Bingo na isang ilegal na gawain, lalo na kung ito ay nagdudulot ng kapinsalaan sa grupo ng mga tao. Ayon naman sa mga awtoridad, lehitimo naman ang mga bingguhan sa loob ng malls dahil may permiso naman ito mula sa lokal na pamahalaan.

Nag-eenjoy ka rin bang maglaro nito?

Loading…