Tamang pagtatakip ng bibig at ilong tuwing uubo at babahing, pinaalala ng mga eksperto

Imahe mula sa Canadian Lung Association
  • Muling nagpaalala ang mga eksperto ng tamang pagtatakip ng bibig at ilong tuwing uubo at babahing
  • Ito raw ay upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit kagaya na lamang ng 2019 novel coronavirus
  • Tuwing uubo o babahing daw kasi ay aabot sa 3,000 hanggang 100,000 droplets ng laway at sipon ang lumalabas mula sa bibig at ilong

Madalas nating naririnig na dapat takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing. Bukod sa pagpapakita ng respeto sa mga tao sa paligid, nakatutulong ang kaugaliang ito upang hindi maging sanhi ng pagkalat ng mga mikroby0. Sa ganitong paraan din kasi naipapasa ang pinapangambahang 2019 novel coronavirus.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon sa ulat ng GMA News, aabot sa 3,000 hanggang 100,000 na droplets ng laway o sip0n ang tumatalsik sa tuwing uubo o babahing at umaabot ito sa 80 hanggang 160 kilometer per hour kaya naman maaaring umabot ito kahit sa mga tao na hindi kalapit o katapat. Ang virus daw na dala nito ay maaaring magtagal mula 15 minuto hanggang isang linggo.

“Ang sneezing ay defense mechanism ng katawan para mailabas yung any offending organism o anuman na maaaring nakasasama sa katawan ng isang tao. Ito ay maaaring mikr0byo, maaaring ito ay virus,” paliwanag ni  DOH Epidemi0logy Bureau Director Dr. Chito Avelino.

Imahe mula sa Centers for Disease Control and Prevention

Kaya naman ipinaalala ng mga eksperto ang tamang pagtatakip ng bibig sa tuwing uubo o babahing. Hindi raw dapat kamay ang gamitin dahil maaari ito magamit sa pagpasa ng mikr0byo.

“We don’t use our hands sa pagbahing kasi ito ay magiging medium para ma-transmit yung infecti0n ‘pag nakipag shake hands tayo,” sabi ni Avelino.

Maaari raw ipantakip ang siko, manggas, o leeg na bahagi ng suot na damit dahil ito raw ang mga parte na hindi masyadong hinahawakan. Payo rin nila, iwasan muna ngayon ang pakikipagkamay at beso para hindi malipat ang virus.

Makabubuti rin daw na gumamit ng face mask at ang asul na parte dapat ang nakalabas. Huwag din itong hawakan upang hindi makuha ang virus at ang rubber na part lamang ang gamitin kapag itatapon na ang mask matapos ang walong oras.

Source :

GMA News

Loading…