Tara’t ating tikman! Kyle Jennermann, itinampok ang pagkaing “Balachan”

  • Nabuksan ang kuryosidad ng mga netizens sa isang uri ng pagkain sa mga bansa ng Timog– Silangang Asya na itinampok ni Canadian vlogger Kyle Jennermann
  • Tinatawag itong “balachan” na nagmula umano sa Indonesia
  • Sa unang tingin, maipagkakamali ito sa ating bagoong alamang

Itinampok ng kilalang Canadian vlogger, pilantropo, at may pus0ng Pilipino na si Kyle “Kulas” Jennermann ang isang naiibang pagkain mula sa Ipil, Zamboanga Sibugay na tinatawag na “Balachan”.

Ayon sa kaniyang Facebook post sa kaniyang sariling Facebook page na “BecomingFilipino”, tatlong taon na ang nakalipas mula nang matikman niya ang sarap ng balachan. Natikman niya ito mula sa luto ng isang “Auntie Jasmin” na natutuhan daw niya mula sa mga kaibigang Indonesian.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

“Thirteen years ago after coming back from working in Malaysia, Auntie Jasmin started cooking this snack. She learned it from her Indonesian friends. Why? Because she wanted to be able to taste it now that she was back home in the Philippines. Well, Auntie Jasmin didn’t just end up making it for herself,” salaysay ni Jennermann.

Dahil nagustuhan ng kaniyang mga kaibigan at kaanak, nagtayo sila ng kauna–unahang “Balachan Shop” sa Ipil, na maaaring sa buong Pilipinas na rin. Subalit ano nga ba ang balachan?

“Well, they take bananas, slice them up, fry them (but not too crispy), and then serve them on a plate with a special red sauce. The sauce is what makes this so unique! I think it is a mixture of tomatoes, Indonesian spices, possibly uyap, and who knows!?,” saad ni Jennermann.

Kung titingnan ang mga larawang ibinahagi ng Canadian vlogger, maihahalintulad ang balachan o ang mismong sawsawan sa bagoong nating mga Pilipino. Subalit batay sa paglalarawan ni Jennermann, ang sawsawan ay tila malayo sa lasa ng bagoong alamang na paboritong sawsawan kapag kumain ka ng manggang hilaw.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Nang tinanong daw niya si Auntie Jasmin kung ano ang resipi nito, sinabi nitong “It’s Victoria’s Secret, Kulas!” na nangangahulugang hindi maaaring sabihin.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng komento hinggil dito. Sabi ng isa, “100% agree. That is a super yummy tummy food Kulas.”

Paliwanag naman ng isang dayuhang taga Brunei, “Here in Brunei, they call it sambal or belacan. It is made up of blendered chillis tomatos balachan or shrimp cake. It is also used in nasi katok fried chicken with rice pack in a waxed paper. My favorite meal in Brunei day or at night.”

“At first glance, I thought that it was mangga and bagoong. I want my 20/20 vision back, hahaha. Looks yummy!” komento naman ng isa.

Ayon sa iba pang mga nagbahaging netizen, ito raw ay binibigkas bilang “Belachan”. Ito ang mismong red paste sauce na nagpapasarap sa pinritong saging na kinakain ni Jennermann.

Mukhang masarap, hindi ba?

Loading…