Tatlong Tsino patungong Boracay nakitaan ng sintomas ng misteryosong sakit na kumakalat sa China

  • Tatlong Chinese nationals ang pinigil sa airport sa Kalibo matapos makitaan ng sintomas ng misteryosong sakit mula sa China
  • Kinunan ng blood at saliva specimens ang tatlong turista
  • Matapos masuri ay agad namang na-release mula sa ospital ang tatlong Tsino

Tatlong Chinese nationals na patungo sa Boracay ang pinigil sa Kalibo International Airport (KIA) matapos makitaan ng sintomas ng misteryosong sakit na kumakalat ngayon sa China. Ang KIA ay may direct international flights mula sa maraming bansa kabilang na ang China.

Imahe mula sa BWO

Ang tatlong Tsino, kasama ang isang tatlong-taong gulang na batang babae, ay dumating sa KIA sa magkakaibang petsa. Agad dinala sa pagamutan ang tatlo upang masuri.

“Because they had symptoms and they flew in from China, they were all taken to the hospital here in Kalibo for observation,” wika ni ni Dr. Cornelio Cuachon Jr., provincial health officer ng Aklan.

Itinanggi niya  na inilagay sa quarantine ang tatlong turista. Kinunan lang umano ng sample ng dugo at laway ang tatlo sa ospital at pagkatapos ay pinayagan na ring tumuloy sa Boracay.

“No, it’s not quarantine. Kung quarantine, you restrict ‘yong tao na hindi siya lumabas. Eto, dinischarge na at nakapunta na ng Boracay. We just took samples from them and they were allowed to proceed to Boracay. They were all outpatients,”sabi ni Dr. Cuachon.

Paliwanag niya, ang tatlong turista ay may mild cases ng lagnat, ubo at sipon.

Imahe mula sa Bureau of Quarantine

Noong January 17 ay dinala ng tauhan ng Bureau of Quarantine na nakatalaga sa KIA ang 29-year-old Chinese tourist sa Rafael  S. Tumbokon Memorial Hospital upang masuri. Kinabukasan ay pinayagan na siyang tumuloy sa Boracay matapos maging normal ang body temperature niya.

Ang 3-year-old na bata naman ay agad na  na-release mula sa ospital matapos ang check-up noong January 18. Agad ding na-release pagkatapos ma-check-up ng ospital ang 65-year old na Tsino na dumating sa KIA noong Lunes, ika-20 ng Enero.

Ang mga specimen na kinuha mula sa tatlong turista ay ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicines sa Alabang, Muntinlupa City.

Imahe mula sa Cedres Research

Loading…