The show must go on: Celine Dion, tinuloy ang concert ilang oras matapos yumao ng kanyang ina

  • Tinuloy pa rin ni Celine Dion ang kanyang concert ilang oras matapos yuma0 ng kanyang ina
  • Bagama’t mabigat ito para kay Celine, batid naman daw nila ang pamamaalam ng ina dahil tinapat na sila ng mga nag-aalaga rito
  • Nag-alay din ng awitin din si Celine para sa kanyang ina sa nasabing concert niya sa Miami, Florida

Isa sa mga kinakailangang taglay ng isang performer ay pagkakaroon ng professionalism. Anuman ang pinagdaraanan mo, kailangan mong magtanghal para sa iyong audience na nagbayad upang mapanood ka. Ito ang pinatunayan ng Canadian diva na si Celine Dion nang ituloy pa rin ang concert niya matapos malamang yumao na ang kanyang ina.

Kasalukuyang naghahanda si Celine sa kanyang Miami concert bilang bahagi ng kanyang world tour na pinamagatang Courage nang malamang namayapa ang ina. Dahil ilang oras na lamang ito bago ang kanyang pagtatanghal, hindi na nagawa ni Celine na ikansela ito bagama’t itinuloy ang kanyang performance.

Larawan mula sa Instagram account ni Celine Dion

Tila pinandigan nga ni Celine ang pangalan ng kanyang concert series dahil sa kabila ng nararamdaman ay nagawa pa niyang magtanghal sa malaking crowd sa AmericanAirlines Arena sa Miami, Florida. Ipinagbigay alam niya rin sa kanyang mga manonood ang kanyang pinagdaraanan.

“I am pretty sure that you heard the news about my mom passing away early this morning. But I am doing okay. My mom was 92. She was ill for quite a while, and we knew she wouldn’t be with us long,” bungad ni Celine sa kanyang concert.

Batid na raw nilang magkakapatid na hindi na rin tatagal ang kanilang ina dahil tinapat na rin sila ng mga nag-aalaga rito. Kaya naman noong gabi bago ang kanyang concert ay nagpalipas na siya ng gabi kasama ang ina at mga kapatid at nagbigay ng pamamaalam.

“Last night, I joined my brothers and sisters in Montreal and I spent the evening at her beside. We told stories. We sang songs. We hugged each other. And we said our goodbyes. We are pretty sure that mom waited for us to be all together before (she passed),” pagpapatuloy ni Celine.

Larawan mula sa Instagram account ni Celine Dion

Nanghingi rin siya ng paumanhin sa mga manonood kung may mga pagkakataon sa kanyang pagtatanghal na ‘shaky’ ang kanyang performance dahil hindi niya kinakailang nakaapekto pa rin ang balitang pagyao ng kanyang ina na si Therese Dion sa kanya.

Nag-alay din si Celine ng isang awitin para sa kanyang ina. Kinanta niya ang klasikong Somewhere Over the Rainbow bilang pagpupugay sa lahat ng pagkalingang nakuha sa kanyang ina.

Source :

GMA News, Today

Loading…