Tito, Tita starter pack: Isa ka rin ba sa mga nais magkaroon ng ‘Katinko set?’

  • Marami ang naka-relate sa ibinahaging post ng netizen na si Sam Anselmo, lalo na ang mga tao na nagsisimulang makaramdam ng pananakit ng katawan
  • Viral ang larawan na in-upload nito sa social media kung saan makikita ang kakaibang set ng kilalang ointment brand na Katinko
  • Maliban sa karaniwang pamahid nito na nakikita sa drug store at grocery, naglalaman ang Katinko set ng iba’t ibang klase ng liniment, oil, at spray na puwedeng gamitin depende sa sakit na nararamdaman

Nagsisimula mo na bang maramdaman ang iyong pagiging certified tito o tita? Nakararanas ka na ba ng pagbigat ng katawan o kaya naman ay ang madaling pagsakit ng mga balikat, braso, at binti sa kaunting pagkilos lang?

Imahe mula sa Facebook post ni Sam Anselmo

Sa Facebook, maraming netizens ang naka-relate sa post ni Sam Anselmo tungkol sa kung anong ‘set’ ang ngayon ay hinahanap-hanap niya.

“I don’t need a set of makeup, I need a set of Katinko,” sabi nito.

Sa kaniyang post, ibinahagi ni Sam ang larawan ng kakaibang set ng Katinko na talaga namang kinaaliwan ng maraming netizens.

Maliban kasi sa karaniwang pamahid na nakalagay sa manipis at hugis bilog na packaging, makikita na kasama sa Katinko set na ito ang iba’t ibang klase ng ointment, liniment, at spray na maaaring gamitin depende sa sakit na nararamdaman.

Marami rin tuloy ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na magkaroon nito. Karamihan sa netizens ay naisip na maganda itong ipangregalo lalo na sa mga kakilala nila na madaling sumakit ang mga kasu-kasuan. Hindi naman kinakailangan lumayo pa ng iba para maghanap ng Katinko set.

Sa Facebook page mismo ng Katinko, makikita ang kanilang Katinko Heart Box Day at Katinko Hear Box Day na kanilang ipinagbibili sa halagang P500 kada set.

I-click ang imahe para mapunta sa orihinal na post

Kabilang na rito ang Katinko Ointment stick, Katinko Oil Liniment 10 ml roll-on, Katinko Oil Liniment 35ml, Katinko Pain Relieving Sports Spray, at Katinko Inhaler.

Para sa mga tito at tita, millenials man o baby boomers, talaga namang isang malaking kaginhawaan ang magkaroon ng pamahid sa tuwing nagsisimula nang sumakit ang ulo at mga kasu-kasuan.

Imahe mula sa Facebook page ng Katinko

Loading…