Ulirang ama na ipinaghahanda ng pagkain at inihahatid sa sakayan ang anak na nagtatrabaho, pumukaw ng atensyon

Imahe mula sa Facebook | Ronalyn Villanueva
  • Pinag-uusapan ngayon ang isang ulirang ama sa Facebook
  • Kuwento kasi ng kaniyang anak, kahit nagtatrabaho na siya ay inaasikaso pa rin ng ama bago pumasok at inihahatid pa sa sakayan
  • Tinawag niyang ‘most amazing father God has given me’ ang kaniyang tatay

Naantig ang mga netizens sa pagbabahagi ng isang babae ng pagmamahal at pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang ulirang ama.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Nagtatrabaho bilang call center representative si Ronalyn Villanueva at kuwento niya sa kaniyang post sa Facebook, nagpalit daw sila ng schedule kamakailan. Noon daw ay 6 p.m. o 6:30 p.m. siya umaalis sa kanilang bahay kaya hindi pa masyadong dilim pero ngayon ay 9 p.m. na niya kailangang umalis.

Sinabi niya ito sa kaniyang amang pedicab driver upang gisingin siya ng alas-8 ng gabi. “At 7:40 p.m., kinatok na niya ako sa kwarto. Mag-a-alas otso na raw. May kanin at ulam na rin. Ligo na lang kulang,” sabi niya.

Bandang 8:40 p.m. daw ay nag-aayos na lamang siya ng kaniyang mga gamit at handa nang umalis. Inakala niyang hindi na siya ihahatid ng kaniyang ama dahil nanonood pa ito ng paborito niyang palabas. “Pero sabi niya, ‘Teka lang, hindi pa tapos e.’ Sabi ko, sige tapusin namin since intense ang eksena,” kuwento pa ni Villanueva.

Hinatid daw siya ng kaniyang ama sa sakayan. “Pagbaba ko ng side car, akala ko, uuwi na siya. At hindi siya umaalis hangga’t hindi ako nakakasakay,” sabi niya. “I am so blessed to have you.”

Imahe mula sa Facebook | Ronalyn Villanueva

Ibinida niya rin na tuwing hindi siya kaagad nakauuwi mula sa trabaho ay agad nagtetext ang kaniyang ama upang malaman kung bakit wala pa siya.

“Ikaw ang taga gising ko, taga saing kapag late na ako nagising. At ngayong gabing gabi ang pasok, inihatid mo ako,” sabi niya.

Dahil sa pagsasakripisyo ng kaniyang ama para sa kaniya ay ipinangako niyang gagawin niya ang lahat upang maibigay ang kahit anong kailanganin ng kaniyang ama.

“Ladies and gentlemen, Enrico Villanueva. Pedicab driver. The most amazing father God has given me,” pagtatapos niya sa kaniyang post na ngayon ay may 85k reactions at 17k shares na.

Source :

Facebook

Loading…