Unconditional love, unang natutuhan ni Nico Bolzico sa pagdating ni baby Thylane Katana

  • Ibinahagi ni Nico Bolzico sa kaniyang Instagram account ang unang larawan nila ng kaniyang baby na si Thylane Katana
  • Isa sa mga natutunan ni Nico bilang isang ama ay tungkol sa unconditional love na akala niya ay alam na niya
  • Nagbiro din si Nico sa future suitors ng kaniyang unica hija

Pinusuan ng maraming netizens ang unang larawan na ipinaskil ni Nico Bolzico sa Instagram account nito kasama ang unica hija nila ni Solenn Heussaff.

Emosyonal na ibinahagi ni Nico ang kaniyang nararamdaman habang karga si baby Thylane Katana.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

Akala umano ng mag-asawa na alam na nila ang tinatawag na “unconditional love” ngunit nag-iba ang kanilang pananaw nang dumating sa kanilang buhay ang kanilang baby girl.

“We thought we knew what unconditional love was until you came to our lives. She was accepted by #Pochola and ignored by #ElGato. Next challenge introducing #ElPatato. I am worry coz he is very territorial” panimula ni Nico.

Sina Pochola ay isang American Akita dog breed na kahawig ng popular na Japanese dog na si Hachiko. Ang “el gato” naman na tinutukoy ni Nico ay ang alaga nilang pusa na si Negroni. Si Patato naman ang popular na pagong na unang hayop na inalagaan nina Nico at Solenn.

Bago maging mga magulang ni Thylane Katana, proud animal parents sina Nico at Solenn.

Sa larawan, sinusubukan ni Nico na padighayin ang kaniyang baby girl. Ang pagpapadighay sa sanggol ay ginagawa pagkatapos nitong dumede ng gatas o tubig.

“I am in charge of the burping department!” sabi pa ni Nico.

Nag-joke pa ito sa para sa future suitors ni Thylane Katana.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

“She calls me #ElPadre, imaging when a boy tries to court her and she tells him: ‘You’ll need to talk to #ElPadre first’. They won’t even try!” pagwawakas ni Nico.

Si Baby Thylane Katana ay isinilang noong Enero 1, 2020.

Source :

Instagram

Loading…