Usapang pamilya: Bakit mahalaga ang mga tita sa kanilang mga pamangkin?

Imahe mula sa Unsplash
  • Guro ang itinuturing na pangalawang magulang ng mga bata dahil sa tagal ng oras nila sa loob ng paaralan
  • Pero nakita ng isang research na nakabubuo rin ng mahalagang ugnayan ang mga tiyahin sa kanilang mga pamangking babae
  • Nakikita raw kasi nila ito bilang mother figure ngunit mas bukas sila sa pagbabahagi rito tungkol sa kanilang buhay

Pinaniniwalaang mga guro ang pangalawang magulang ng mga bata dahil mahabang oras ang ginugugol nila sa loob ng paaralan. Pero ayon sa isang pag-aaral, mahalaga rin, lalo na para sa mga babae, ang kanilang mga tiyahin, auntie o “tita”, ayon sa bagong katawagan.

Imahe mula sa Unsplash

Itinuturing daw ang mga tiyahin na pinagkakatiwalaang babaeng mentor ng kanilang mga pamangkin kapag wala ang kanilang mga magulang. Handa kasi silang makinig nang walang halong panghuhusga, ayon kay Melanie Notkin, may-akda ng “SAVVY AUNTIE: The Ultimate Guide for Cool Aunts, Great-Aunts, Godmothers, and All Women Who Love Kids.”

Kakaiba raw ang nabubuong relasyon ng mga babae sa kanilang mga tita dahil nagiging mother figure nila ito pero mas bukas daw sila sa pagbabahagi rito.

“Research refers to the aunt-niece relationship as ‘quasi-parenthood,’ in that an aunt isn’t the mother, but she does play a role in raising and shaping the life of her niece. Aunts serve as a safety net, a comforter, protector and supporter. They’re not always around, but they’re never too far when you need them,” paliwanag ng isang artikulo sa draxe.com.

Imahe mula sa Unsplash

Nakikita raw ng mga tiyahin ang “best of both worlds.” Naroon sila upang magbigay ng suporta at makipag-bonding pero kahit wala sila sa araw-araw na buhay ng mga pamangking babae ay nag-iiwan daw sila ng malaking marka sa mga ito hanggang sa kanilang pagtanda.

Kung ang mga anak na babae at ang kanilang ina ay may ups at downs sa kanilang relasyon, “steady” naman daw ang ugnayan ng tita sa kaniyang pamangkin.

“An aunt is part of the family, but one step removed. She doesn’t have to fret over homework being completed, the bedroom being cleaned and finishing the broccoli on the dinner plate. Aunts provide stability and an escape from the day-to-day,” dagdag pa ng draxe.

Ganito rin ba ang relasyon mo sa iyong tiyahin?

Source :

Dr. Axe

Loading…