Usok na ibinuga ng Taal walang kinalaman sa pagkulimlim ng kalangitan sa Metro Manila

  • Kapansin-pansin ang pagkulimlim ng kalangitan sa Metro Manila noong Biyernes
  • Walang kinalaman ang pagbuga ng usok ng Taal sa makulimlim na kalangitan sa Metro Manila
  • Ang pagkulimlim ay sanhi ng salubungan ng magkasalungat na ihip ng hangin, air pollution at mataas na humidity level sa Kamaynilaan

Ang pagkulimlim ng kalangitan na naranasan sa Metro Manila noong Biyernes, ika-24 ng Enero, ay hindi dahil sa usok na ibinuga ng Bulkang Taal noong araw ding iyon. Hindi rin daw iyon hamog, ayon sa isang meteorologist.

Screenshot mula sa video ng IMReady

Batay sa panayam kay Dr. Gerry Bagtasa, isang professor sa University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology, ang pagkulimlim ay sanhi ng salubungan ng magkasalungat na ihip ng hangin, air pollution at mataas na humidity level sa Kamaynilaan.

Aniya, nagsalubungan ang hangin mula sa Silangan at ang hangin mula sa Kanluran na nagresulta sa pagiging stagnant ng hangin sa Metro Manila.

“Wind from the east and another wind from the west opposed each other, resulting in stagnant air,” anang meteorologist.

At dahil mataas ang humidity level sa Kamaynilaan, ang mga pollutants gaya ng alikabok at mga usok mula sa mga sasakyan ay nabalot ng tubig kaya nagmistulang hamog ang hitsura nila.

“Is that fog? No. High humidity (dahil umambon) results in particulates being coated with water, which further reduces visibility. This gives the appearance of fog,” paliwanag ni Dr. Bagtasa.

Screenshot mula sa video ng IMReady

Ayon naman sa weather specialist mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na si Ana Clauren ang haze na bumalot sa Metro Manila ay pollution at masama iyon sa kalusugan.

“High moisture levels have the tendency to hold pollutants. It’s haze. It is not related to Taal Volcano’s steam emission earlier. It’s pollution and it’s not good for health. Because it’s Friday many people used their cars,” paliwanag niya.

Ayon pa sa kanya, ang pollution na idudulot ng selebrasyon ng Chinese New Year, na karaniwang sinasalubong ng mga fireworks,  ay inaasahang makapagpapalala ng kalidad ng hangin sa Metro Manila.

Screenshot mula sa video ng IMReady
Source :

ABS-CBN, Philstar

Loading…