Willie Revillame nasaksihan ang pag-aalburoto ng Taal Volcano mula sa kaniyang chopper

Imahe mula kay Jojo Gabinete at Wowowin
  • Personal na nasaksihan ng Wowowin host na si Willie Revillame ang pagput0k ng Bulkang Taal nitong Linggo
  • Kuwento niya, nagpa-practice daw siya ng chopper flying nang mapansin ang makapal na usok na nanggagaling sa Taal Volcano
  • Apektado rin ng ash fall ang rest house niya sa Tagaytay na ngayon ay puno na rin daw ng abo

Nasaksihan ng Wowowin host na si Willie Revillame ang pagput0k ng Bulkang Taal noong Linggo ng tanghali.

Imahe mula sa video ni Jojo Gabinete via YouTube

Kuwento niya sa Pep.ph, personal niyang nakita ang pag-aalburoto ng Taal Volcano mula sa kaniyang four-seater helicopter na Robinson R44. Nagpa-practice daw siyang mag-flying nang mapansin niya ang usok na lumalabas mula sa Taal Volcano.

“I think 1 p.m. ‘yun nang makita ko na palaki nang palaki ang usok mula sa Taal Volcano at nakita ko lahat from the start. Nag-training ako kahapon ng chopper flying kaya nakita ko lahat. Ako lang ang nakakuha ng video habang nasa chopper,” kuwento ni Willie sa Pep.ph

Makikita sa ibinahagi niyang video ang makapal na usok na nanggagaling sa bulkan.

Isa pang video ang ibinahagi niya na nagpapakita sa pag-landing ng kaniyang chopper sa Tuy, Batangas. Nakausap niya pa doon ang isang residente. “Nandito kami sa Batangas ho kasi nagpa-practice ako ng helicopter flying dito sa Tuy, Batangas,” sabi niya roon.

Nang kumustahin ang vacation house niya sa Tagaytay, sinabi niyang marumi ito ngayon at puno ng putik kaya naman nililinis ito. “Ganoon talaga, kasama sa buhay natin ang kalamidad,” sabi niya.

I-click ang imahe para mapanood ang video ni Jojo Gabinete via YouTube

Sa kasalukuyan, nakataas sa Alert Level 4 ang Taal Volcano na nangangahulugang  posibleng mangyari ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw. Inililikas na rin ang mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal alinsunod na rin sa utos ni Pang. Duterte.

Samantala, suspendido pa rin ang klase sa ilang mga lugar sa CALABARZON at Metro Manila habang balik trabaho naman ang mga government employees mula sa Metro Manila at Region III sa January 14, 2020.

Loading…