Work from home, mungkahi ng mambabatas bilang pag-iingat sa 2019 nCoV

Imahe mula sa Pexels
  • Work from home ang isa sa mga nakikitang solusyon ni Sen. Joel Villanueva upang ingatan ang mga manggagawa mula sa nCoV nang hindi naaapektuhan ang kanilang trabaho
  • Ito ay matapos na makumpirma ang unang kas0 ng 2019 nCoV sa Pilipinas
  • Dapat din daw pauwiin ng mga employer ang mga papasok nang may sintomas ng flu

Iminungkahi ni Sen. Joel Villanueva sa pribadong sector na payagan ang kanilang mga manggagawa na mag-work from home sa gitna ng banta ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ito raw ay upang maingatan ang mga manggagawa mula sa virus nang hindi naaabala ang kanilang trabaho.

Si Villanueva, ang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development, ang principal author ng Republic Act No. 11165 o ang Telecommuting Law.

Imahe mula sa Facebook | Joel Villanueva

Dagdag pa niya, hindi dapat magdalawang-isip ang mga employer na pauwiin ang kanilang mga empleyado na may mga sintomas ng flu.

Hinikayat din niya ang Department of Labor and Employment na maglabas ng labor advisory na magpapaalala sa mga pribadong kompanya sa kanilang mga tungkulin sa ilalim ng Occupational Safety and Health (OSH) Law. “The labor advisory will also serve as a warning for companies who think that they can tip toe around prevailing regulations without any consequence,” sabi niya.

Imahe mula sa Pexels

“While the public’s awareness of the prevailing health scare concerning the novel coronavirus (nCoV) remains high, our labor officials should seize the moment to reiterate that the health and safety of our workers must be of paramount concern to employers,” sabi ni Villanueva.

Sa kasalukuyan ay may isa nang kumpirmadong kas0 ng 2019 nCoV sa bansa. Kinilala ito na isang 38 anyos na babae na mula sa Wuhan, China. Dumating siya sa Pilipinas noong Enero 21 mula sa Hong Kong. Nagpakonsulta raw ito noong Enero 25 sa 0spital sa Maynila matapos makaranas ng ub0.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa kasalukuyan ay asymptomatic siya. Nangangahulugan itong wala siyang lagnat, ub0, o anumang senyales ng nCoV.

Source :

Senate, GMA News

Loading…