World’s oldest living person, nagdiwang ng ika-117 kaarawan

Imahe mula sa Guinness World Records
  • Nadagdagan ng isa pang taon ang edad ng world’s oldest living person ng Guinness World Records
  • Nagdiwang kamakailan ng kaniyang ika-117 kaarawan si Kane Tanaka sa kaniyang nursing home sa Japan
  • Nang tanungin noon kung ano ang sikreto ng mahabang buhay, sinabi niyang ‘Eat delicious food, study, and play Othello. That’s it!’

Nagdiwang ng kaniyang ika-117 kaarawan ang may hawak ng Guinness World Records bilang “world’s oldest living person.”

Imahe mula sa video ng South China Morning Post via YouTube

Naging masaya ang party ni Kane Tanaka kasama ang kaniyang mga kaibigan at kaanak sa isang nursing home sa Fukuoka sa Japan noong Enero 2, 2020, ayon sa Yahoo! News. Tumikim siya ng isang slice ng cake na inihanda para sa kaniya at humirit pa nga raw ng marami. “Tasty, I want some more,” sabi niya.

Premature siyang ipinanganak noong 1903. May apat na biological children at isang adopted child sila ng asawang si Hideo Tanaka. Mayroon na rin silang limang apo at walong apo sa tuhod.

Gumigising siya ng 6 a.m. araw-araw at  nag-aaral ng math tuwing tanghali. Mahilig din daw siyang maglaro ng board games lalo na ng Othello. Sa katunayan ay madalas niyang matalo ang mga nakakalarong staff sa kaniyang nursing home.

Imahe mula sa Guinness World Records

Marso noong nakaraang taon nang tanggapin niya ang Guinness World Record. Sinabi niya rin noon na nais niyang mabuhay hanggang kaya niya. “Because I’ve come this far, I want to live as long as I can and see how it turns out,” sabi niya noon sa isang interview.

Nang tanungin kung ano ang sikreto upang mabuhay nang matagal kahit marami na rin siyang pinagdaanang operasy0n noon, sinabi niyang “Eat delicious food, study, and play Othello. That’s it!”

Ayon sa datos noong February 2018, mga taga Japan pa rin ang nangunguna sa listahan ng oldest people. Mayroon doong 69,000 na may edad 100 pataas, 9,000 dito ay lalaki at 60,000 naman ay babae.

Happy birthday, Mrs. Tanaka! Nawa ay marami pang birthday ang dumating sa iyong buhay.

Loading…