‘Yes, sir:’ Catriona Gray at Matthaios, rapper na sumulat ng hit song para sa kaniya, nagkita na

Imahe mula sa Instagram | Matthaios
  • Nagkita na si Catriona Gray at ang rapper na sa Matthaios na gumawa ng kanta para sa kaniya
  • Pinamagatan niya itong ‘Catriona’ at naging dance hit din para sa mga Pilipino
  • Sa kasalukuyan ay may mahigit 28 million views na ang official lyric video nito sa YouTube

“I love the way she makes me smile, she makes me smirk. It gives me chills, it makes me blush, it gives me worth.”

Imahe mula sa Instagram | Matthaios

Marahil ay pamilyar ka sa mga salitang ito dahil ito ang lyrics ng viral hit song na isinulat ng rapper na si Matthaios para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. Kamakailan lamang ay nagkita na sila at ibinahagi niya ang tagpong ito sa kaniyang Instagram.

“Heaven really does exist,” sabi niya sa caption. Bahagi rin ito ng lyrics ng kaniyang kanta na may pamagat na “Catriona.” Marami na ang gumagawa ng dance cover ng kantang ito.

Sa kaniyang IG story, ibinahagi ni Matthaois ang bahagi ng segment sa Magandang Buhay kung saan nagkita sila ni Catriona. “Nung sinusulat ko pa yun, hindi ko naman ine-expect na makikita ko talaga siya,” aniya.

Inilabas ang kantang ito sa ilalim ng MIDA$ Records noong December 1; ilang araw bago ipinasa ni Catriona ang kaniyang korona bilang Miss Universe kay Miss South Africa Zozibini Tunzi. Sa kasalukuyan ay may mahigit 28 million views na ang lyric video nito.

Noong birthday celebration ni Catriona sa “ASAP Natin To,” tinanong siya ng host na si Ogie Alcasid kung ano ang nararamdam niya na nag-viral muli ang pangalan niya dahil ginawa itong kanta at sinabing niyang flattered siya rito.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

“Sobrang flattered ako and I am so happy that it makes so many people happy. And that I see all the kids dancing to it. It’s very cool and the message of it is really beautiful so thank you to Matthaios, the creator of the song,” tugon niya.

Kamakailan lamang ay bumalik na si Catriona sa Pilipinas upang i-pursue ang music na bukod sa charity work ay passion niya rin. “Since I was 18, I have been dreaming of pursuing music and it always gets put off or pushed to the side. Actually, now that I get to pursue it, it’s like, oh my goodness, it’s like another dream that I’m able to see in my view so I am very excited,” sabi niya noon.

Loading…