12 anyos na anak ng NBA superstar Dwyane Wade, lumantad na bilang transgender; tanggap ng kanilang pamilya

  • Buong loob na ibinahagi ni NBA superstar Dwyane Wade na tanggap niya ang kanyang anak na isang transgender
  • Umamin daw sa kanila ng asawang si Gabrielle Union ang 12-anyos na si Zion sa kanyang gender preference
  • Nais din daw ng anak na tawagin siya bilang ‘Zaya’ na lubos namang nirerespeto ng mag-asawa

Nakilala si Dwyane Wade dahil sa kanyang husay sa paglalaro ng basketball. Makailang ulit siyang naging kampeon at itinanghal na most valuable player bago tuluyang nag-retiro sa nasabing sport. At ngayong 2020, naging kampeon naman si Wade ng LGBTQ+ community nang ilahad nitong tanggap niya ang anak na humantad na bilang transgender.

Sa isang panayam sa talk show ng isa ring LGBTQ+ community member na si Ellen DeGeneres, proud na ikinuwento ni Wade ang pagtanggap niya sa anak na si Zion, na ngayon ay nais nang tawagin siya bilang Zaya, na umamin sa kanila bilang isang transgender.

Larawan mula sa Instagram account ni Dwyane Wade

Isang gabi raw, pag-uwi ni Zaya ay kinausap nito ang kanyang magulang na si Wade at ang celebrity rin na si Gabrielle Union, na nais na nitong magpakatotoo. Nais daw niyang tawagin siya bilang Zaya at hindi na Zion, at ang reference na gagamitin sa kanya ay ‘her’ at ‘she.’

“Hey, so I wanna talk to you guys. I think going forward I’m ready to live my truth. And I wanna be referenced as she and her. I would love for you guys to call me Zaya,” pahayag ni Wade na sinabi raw ng anak nang kausapin sila.

Wala naman daw kas0 ito kina Wade at Union. Sa halip, proud pa raw sila na mayroon silang anak na miyembro ng LGBTQ+ community dahil kahit noon pa man daw ay ikinakampanya na nila ang nasabing komunidad.

Sa Instagram account naman ni Union, nag-post siya ng video ng anak na si Zaya. Ipinakilala niya ito sa madla at sinabing anuman ang naging preference nito ay masaya sila at proud pa rin sa anak. Nagbigay din siya ng payo sa mga magulang na pakinggan at patuloy na mahalin ang kanilang mga anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Dwyane Wade

“Meet Zaya. She’s compassionate, loving, whip smart, and we are so proud of her. It’s ok to listen to, love, and respect your children exactly as they are. Love and light good people,” pahayag ni Union sa post na mayroon nang 671,000 likes na sa kasalukuyan.

Dagdag pa ni Wade, sineseryoso raw nila ng asawa ang pagiging magulang sa kanilang mga anak. Isa raw sa pinakamabisang paraan ay ang makinig at unawain ang sitwasyon ng kanilang mga anak. Ngayon daw ay patuloy na kumakalap ng impormasyon ang mag-asawa upang maging maayos ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.

Panoorin ang panayam ni Wade sa programang Ellen:

Loading…