67 percent ng mga estudyante sa UP, single

Imahe mula sa UP at Unsplash
  • Napag-alaman sa pag-aaral ng isang professor na two-thirds ng mga estudyante sa pitong University of the Philippines campus ay single
  • Ayon kay Dr. Ronald Del Rosario, 67 percent ng 1,200 na mga estudyante na nakibahagi sa online survey ang nagsabing single sila
  • Pinakamaraming bilang ng mga single na mag-aaral sa UP Diliman habang pinaka-kaunti naman sa UP Cebu

Ayon sa isang pag-aaral, 2/3 ng mga estudyante sa pitong mga campus ng University of the Philippines ay single.

Imahe mula sa UP

Sabi ni UP professor at psychologist na si Dr. Ronald Del Rosario ginawa niya ang proyektong tinatawag na   “Diwa Mental Health Survey” sa loob ng dalawang taon at napag-alaman niya na sa 67 percent ng mga mag-aaral ay single.

Sa 1,200 na nakibahagi sa online survey na kaniyang ginawa, napag-alaman niyang pinakamarami raw single sa UP Diliman, sumunod ang UP Visayas, UP Manila, UP Baguio, UP Los Banos, UP Mindanao, at UP Cebu.

“The number of students that could participate in the research was intentionally targeted so that each campus was proportional to the overall student population of the entire system. Diliman is the largest in the UP System, and so it is not surprising that more students there would report being single,” sabi ni Del Castillo sa GMA News.

Napag-alaman din niya na pinakamaraming single sa field ng Natural Sciences; Medical, Health, and Allied Science, Business Administration and Related Fields, at Engineering and Technology.

Imahe mula sa UP

Kung sa UP Diliman may pinakamaraming single, dito rin ang may pinakamaraming in a serious relationship.

Sinundan ito ng UP Baguio, UP Vidayas, UP Los Banos, UP Mindanao, UP Manila, at UP Cebu. Ang mga fields na may pinakamaraming in a relationship ay Social at Behavioral Science; Natural Sciences; Business Administration and Related Fields, Engineering and Technology; Medical, Health, and Allied; at Mass Communication.

Source :

GMA News

Loading…