90% ng Bureau of Immigration personnel sangkot sa “pastillas” bribery scheme – whistleblower

  • Whistleblower, sinabing 90% ng tauhan ng Bureau of Immigration ay sangkot sa “pastillas” bribery scheme
  • Si Immigration officer Allison Chiong ay lumantad sa senado upang ibunyag ang raket
  • Isinailalim na si Chiong sa Witness Protection Program dahil sa mga banta sa kanyang seguridad

Lumantad sa senado ang isang whistleblower at ibinunyag nito na halos ninety percent (90%) ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ay sangkot umano sa multi-billion “Pastillas” bribery scheme na nagaganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Sa ilalim ng nasabing raket, ang mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa ay binibigyan ng mga immigration officials at employees ng special treatment kapalit ng P10,000 bilang “service fee.” Mula P50,000 hanggang P200,000 naman ang suhol kapag ang Chinese national ay may mga kasong kriminal sa pinanggalingang bansa.

“Kung bibigyan ko kayo ng parang percentagepara po sa akin mga ten percent (10%) na lang ‘yung hindi kasama sa modus,” pagbubunyag ni immigration officer Allison Chiong na aminadong sangkot din siya sa nasabing katiwalian.

Aniya, ang mga Chinese nationals ay hindi na isinasailalim sa screening. Pinapapasok na lang sila sa bansa nang walang tanong o imbestigasyon.

Ayon kay Chiong, nagsimula ang raket nang tanggalin ng Department of Justice ang overtime pay ng mga immigration officers.

At upang mapunan ang halagang nawala sa kanilang buwanang sahod ay nag-offer sila ng “VIP treatment” sa mga turista partikular na ‘yung mga Chinese casino high rollers.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Sabi pa ng whistleblower, tinatayang nasa 2,000 Chinese nationals ang dumarating sa NAIA kada araw.

Ang bawat immigration officer ay tumatanggap ng P20,000 kada linggo para sa naka-assign sa Terminal 1 at P8,000 kada linggo naman para sa mga nakatalaga sa Terminal 3, ani Chiong.

Nagdesisyon umano si Chiong na ibunyag ang”pastillas” raket upang palayain ang mga kasamahan mula sa pagkakasangkot sa corrupt practices na umiiral sa kagawaran.

Screenshot mula sa video ni Sen. Risa Hontiveros via Facebook

“I feel that ‘yung mga kasama kong immigration officers, they have been enslaved by this corrupt system and whether or not they were aware of it, biktima din sila, and I wanted to free them from this system. That is why I am making this sacrifice,” sabi pa ng whistleblower.

Ipinahayag ni Senator Risa Hontiveros na isinailalim na si Chiong sa Witness Protection Program ng pamahalaan dahil sa natanggap na mga banta sa kanyang seguridad kasunod ng ginawang pagbubunyag.

Kasunod ng usaping”pastillas” bribery scheme, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang mga sangkot sa katiwalian na pinangalanan ni Chiong.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Loading…