ALAMIN: Bakit nagkakaroon ng leap year?

Imahe mula sa Unsplash
  • Nagkakaroon ng karagdagang isang araw ang Pebrero tuwing apat na taon
  • Ipinaliwanag ng isang astronomer kung bakit nagkakaroon ng sobrang isang araw kada apat na taon
  • May iba’t ibang paniniwala at tradisyon naman na sinusunod kapag leap year

Kada apat na taon, dumarating ang leap year kung saan nadadagdagan ng isang araw ang buwan ng Pebrero.

Imahe ni Jam Rusia

Paliwanag ni Edmund Rosales, isang astronomer, sa GMA News, nangyayari ito dahil ang pag-ikot daw ng mundo ay 23 hours at 56 minutes lamang, ‘di tulad ng alam ng karamihan na 24 hours.

“Yung apat na minuto na yun, kung tinipon natin sa isang taon, makakaipon tayo ng about six hours,” paliwanag niya. Ang mga sobrang oras na ito ay makabubuo ng 24 hours sa loob na ng apat na taon.

Ngunit sabi ni Rosales ay may sinusunod silang rule para matawag na leap year ang isang taon.

“Hindi lahat ng four years, fourth year eh puwede maging leap year. May rule diyan na it should be divisible by 4 or 400. For example, ang taon natin ngayon 2020, divisible siya ng 4 o 400, okay ‘yon, walang remainder,” aniya.

Dahil hindi taun-taon dumarating ang leap year ay may mga nabuong paniniwala at pamahiin dito. Sa parehong ulat, sinabi ng astrologist na si Marky Mendoza na may paniniwala sa Ireland na maaaring mag-propose ng kasal ang mga babae kapag Pebrero 29.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

“Ang ginawa ni St. Patrick, to be fair with the women, ginrant ito pero ang sinabi ni St. Patrick, this will happen pero mangyayari lang ito once every three years or sakto natapat sa leap year,” sabi niya.

Ayon naman sa ulat sa PNA, may tradisyon ang ilang mga taga Southern China tuwing sasapit ang leap year.

“Women gather to eat and drink in (the) Wuyi Mountain areas. Sons and daughters send shoes to their parents ‘for long life.’ Married women go back to their parents’ home to dine with them,” sabi ni Andrew Chia, residente ng Beijing, sa PNA. Ito raw ay ginagawa nila sa kahit anong araw ng Pebrero na may 29 araw.

Ano ang gagawin mo sa karagdagang araw na ito ngayong Pebrero?

Source :

GMA News, PNA

Loading…