Alden Richards, binisita ang batang fan na may malubhang karamdaman

Imahe mula sa Facebook | Bernard Nipales
  • Binisita ni Alden Richards ang bata sa viral Facebook post na labis ang paghanga sa kaniya
  • Kahit kasi nakikipaglaban sa mabigat n akaramdaman ang bata ay napapangiti at kinikilig ito sa tuwing babanggitin ng ama ang pangalan ni Alden
  • Labis ang pagpapasalamat ng ama kay Alden dahil wala pang isang oras matapos mag-trend ang kaniyang post ay agad silang pinuntahan ng aktor

Wala pang isang oras matapos mag-trend ang post ng isang ama na humihingi ng tulong upang makita ng anak na may tum0r ang idolo niyang si Alden Richards ay dumating agad ang aktor sa 0spital kung saan naka-admit ang bata.

Imahe mula sa Facebook | Bernard Nipales

Nag-post si Bernard Nipales sa Facebook noong Pebrero 2, 5:27 p.m. ng video na nagpapakita kung gaano kalaki ang paghanga ng anak niyang si Chuchay, 5 taong gulang, sa aktor na si Alden. Kahit nasa 0spital ang bata ay napapangiti at kinikilig ito sa tuwing babanggitin ang pangalan ng aktor. Kuwento niya, noon pa man daw ay fan na ang bata ng tambalang AlDub.

“Pwede mo ba akong tulungang iparating ang huling hiling ng aking anak na si Chuchay na marinig niya ang boses na nagpapakilig sa kaniya na si Alden,” pakiusap ng ama. “Kahit sa huling hininga ng aking anak, makita at marinig man lang ni Chuchay ang boses ni Alden at baka sa boses ni Alden, kiligin uli si Chuchay.”

Imahe mula sa Facebook | Bernard Nipales

May 44k reactions at 64k shares na ito kaya naman mabilis itong nakarating kay Alden. Bandang 8:17 ng gabing iyon ay muling nag-post si Nipales ng mga larawan ni Alden at ng kaniyang anak sa Philippine General H0spital kaya naman labis ang pagpapasalamat niya rito.

“Maraming salamat, Mr. Alden Richards. Sobrang humble mo po talaga. Wala pang one hour, nandito na po kayo kahit kadarating ninyo lang galing Thailand,” sabi niya sa sumunod na post. “Sobra po akong nagpapasalamat dahil tinupad ninyo ang wish ni Chuchay.”

Ayon sa ulat ng GMA News, nag-abot ng tulong at panalangin si Alden para sa kaniyang tagahanga.

Tunay na isa kang ‘gift’, Alden!

Loading…