Alex Gonzaga, magaan ang loob sa boss na si Carlo Katigbak dahil hawig ni Mikee Morada

  • Maraming Kapamilya stars ang nagpakita ng suporta sa kanilang boss na si Carlo L. Katigbak gamit ang social media
  • Isa sa mga may appreciation post para sa presidente at CEO ng ABS-CBN ay ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga
  • May pagka-witty ang appreciation post ni Gonzaga kung saan dinamay pa nito ang fiancée na si Mikee Morada

Laganap sa social media ang iba’t ibang appreciation post ng mga artista ng ABS-CBN bilang pagpapakita ng suporta sa presidente at CEO ng korporasyon na si Carlo L. Katigbak.

Imahe mula sa Facebook page ni Alex Gonzaga

Karamihan sa mga Kapamilya stars ay naging seryoso ang mga pahayag sa social media. Gayunman, may ibang paraan ang aktres, komedyante, at vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Gonzaga ang larawan ni Katigbak katabi ang larawan ng fiancé nito na si Mikee Morada.

“Kaya pala magaan ang loob ko sa boss [Katigbak] namin. Kapamilya forever,” caption ni Alex na tumutukoy sa malaking pagkakahawig nina Katigbak at Morada.

Ang post na ito ni Gonzaga ay nagpasaya sa maraming netizen lalo na at napanatili nito ang pagiging witty sa pagpapakita ng suporta kay Katigbak.

Kung tutuusin ay may pagkakahawig nga ang dalawa. Sa parehong larawan, kapuwa sila nakasalamin, pormal ang kasuotan, at pareho ang pagkakangiti.

May netizen na nagsabing parang magkapatid daw sina Katigbak at Morada. Mayroon ding humirit na i-feature si Katigbak sa mga susunod na vlog ni Gonzaga.

Masasabing parehong matagumpay sina Katigbak at Morada sa kani-kanilang karera. Pareho din ang birth month ng dalawa—Abril.

Si Morada, 32 taong gulang, ay nakapagtapos sa De La Salle University ng kursong Psychology sa loob ng dalawang taon. Pagkatapos nito ay nag-aral pa siya sa University of California, Los Angeles.

Imahe mula sa Facebook page ni Alex Gonzaga

Mayaman ang pinagmulang angkan ni Morada sa Batangas. Siya ay kasalukuyang konsehal ng Lipa City.

Samantala, si Katigbak, 49 taong gulang, ay nakapagtapos ng kursong management engineering sa Ateneo de Manila University at ipinagpatuloy noon ang pag-aaral sa Harvard Business School.

Source :

Instagram, ABS-CBN, DF

Loading…