Amang hinihintay ang pag-uwi ng mga anak, umantig sa mga anak

Imahe mula sa Facebook | Mark Gil Espana
  • Pinag-uusapan ng netizens ang isang ama na inaabangan ang pag-uwi ng mga anak
  • Kuwento ni Mark Gil Espana, madalas daw kasing tulog na ang ama pag umuuwi sila sa gabi at tulog pa ito kapag papasok sila sa umaga
  • Payo niya, maglaan ng oras upang makakuwentuhan ang mga magulang

Naantig ang mga netizens sa larawan ng isang ama na naghihintay sa pag-uwi ng kaniyang mga anak.

Imahe mula sa Facebook | Mark Gil Espana

Kwento ng netizen na si Mark Gil Espana, namataan niya ang ama na nakaupo sa labas ng bahay nang bumaba siya sa jeep. Tinanong niya ito kung anong ginagawa niya sa labas at nakaradam siya ng kurot sa pus0 sa naging sagot nga ama.

“Hinihintay kita,” tugon ng ama. “Nami-miss ko na kasi kayong mga anak ko. Uuwi kayo ng bahay galing school at trabaho, ako naman tulog na. Gigising ako ng umaga tapos kayo naman nakaalis na.”

Hindi napigilan ni Mark na mapaisip sa narinig. Sabi niya, masarap daw pala sa pakiramdam na kahit tumatanda na ang mga magulang ay hindi nawawala ang pagmamahal nila para sa kanilang mga anak.

“Sobrang sarap lang sa pakiramdam na kahit tumatanda na ang mga magulang natin, hindi pa rin nagbabago yung pagmamahal nila sa ating mga anak,” sabi niya.

Nagbahagi rin siya ng payo sa mga anak na kagaya niya. “Habang lumalaki tayo, sila naman tumatanda na kaya sana huwag natin hayaang mawalan tayo ng oras sa kanila para makakwentuhan at makausap sila,” aniya.

Marami ang nasapul sa pus0 sa post na ito na sa kasalukuyan ay may 34k reactions at 16k shares na.

Imahe mula sa Facebook | Mark Gil Espana

Si Smith na ilang taon na raw nasa abroad, excited nang umuwi upang makasama ang ama. “Every year lang ako nakakauwi tapos 21 days ko lang nakakasama tatay ko. Pag-uwi ko next month magbo-bonding kami ng tatay ko,” sabi niya.

Si Renel B. naman may payo sa mga anak na malakas pa ang ama.

“Habang malakas at kaya pang maglakad ng tatay ninyo, ipasyal ninyo siya kung saan niya gustong pumunta. Maglaan kayo ng oras dahil kapag humina na at naratay sa higaan ang tatay ninyo, hindi ninyo na magawang makabawi pa,” sabi niya.

Source :

Facebook

Loading…