Amazing transformation: Safety shoes, kinaaliwan matapos gawing Air Jordan 1

  • Kinaaliwan ng netizens ang transformation ng isang pares ng sapatos na ibinahagi ni Eunice Arellano Legarse sa social media
  • Ayon dito, dating safety shoes ang mga sapatos at nagmistulang Air Jordan 1 matapos pinturahan ng kaniyang kasintahan
  • Marami naman ang natuwa sa post kaya agad rin itong nag-viral sa social media

Patok sa netizens ang nakatutuwang transformation ng isang pares ng sapatos sa ibinahaging larawan ni Eunice Arellano Legarse sa social media.

Imahe mula kay Eunice Arellano Legarse | Facebook

Sa Facebook noong February 1, ibinida ng netizen ang isang pares ng safety shoes na nagmistulang Air Jordan 1 matapos pinturahan ng kaniyang kasintahan.

“Yung jowa kong ginawang Jordan 1 ang safety shoes,” sabi nito. “Kayo ninyo yan? Hahaha,” pabirong hamon pa ni Eunice sa social media.

Mula sa safety shoes, naging instant pangbasketball na ang pares ng mga sapatos matapos bihisan ng bagong disenyo ng boyfriend ni Eunice na si Rodrigo De Villa III. Kinaaliwan rin ng netizens ang pagtulad ng itsura nito sa klasikong disenyo na Air Jordan 1 Retro Chicago mula sa sikat ng brand ng sapatos na Nike.

Umani tuloy ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa social media, lalo sa mga gusto ring magkaroon ng Air Jordan shoes.

“Ginawang Jordan 1 ‘yung safety shoes. Hahaha,” sabi ni DTV.”

“Minus gastos to. Hahaha,” natatawang sabi naman ni PR.

“Mamili ka na ng sapatos mo na pipinturahan natin ng ganyan. Hahaha,” pahayag naman JCA matapos i-tag ang pangalan ng kabiyak sa comment section.

Imahe mula kay Eunice Arellano Legarse | Facebook

“Hahaha! Kung ako sa ‘yo buuin mo na ‘yung Jordan Series,” pabirong suhestiyon ni MB sa kaibigang tinag niya sa comment section.

Maging ang netizen na nagngangalang JPC  ay nagtanong na rin sa kaniyang kasintahan upang mapaghandaan na ang transformation ng kaniyang sariling Air Jordan 1.

“Ano na ulit size mo? Ganyan na lang gawin natin. Hindi ba bet mo iyan?” tanong nito.

Sa kasulukuyan ay umani na ang post ng mahigit 9,000 reactions at mayroon na rin itong 12,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…