Andi Eigenmann, natutuwa sa talentong ipinamalas ng anak na si Ellie sa unang piano recital nito

  • Masayang ibinahagi ni Andi Eigenmann ang bagong karanasan ng kaniyang panganay na anak na si Ellie
  • Sa edad na walo ay nakapagpapatugtog na ng piano ang anak nila ni Jake Ejercito
  • Dumalo sina Andi at Jake sa unang piano recital ng kanilang anak

Masayang-masaya si Andi Eigenmann sa unang piano recital ng anak nila ni Jake Ejercito na si Ellie. Magkasamang pinanood nina Andi at Jake ang pagtatanghal na ito ni Ellie.

“So proud of this girl for nailing her first piano recital! I honestly have never heard her play until this day and I was so impressed,” pambungad na pahayag ni Andi sa Instagram post nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmman

Inamin ni Andi noong magpaalam sa kaniya ang panganay na anak tungkol sa pagkuha nito ng piano lesson ay medyo tutol pa siya dahil nangangahulugan umano ito na mababawasan ang araw sa loob ng linggo na sila ay magkitang mag-ina.

“When she first told me she wanted to take up piano, I was hesitant because it meant another day in the week that I get to see her less. But she enjoys taking up these extra-curricular activities, and I love that she gets to discover more of her talents, outside of my skill set (lol),” paliwanag ni Andi.

Siyempre, bilang isang ina ay mas gusto ni Andi na matuto ang kaniyang anak tungkol sa maraming bagay at matuklasan nito ang mga gusto nito sa buhay.

 “I want her to explore and learn more about who she is and the things she may be interested in, and not limit it to only the things I am able to introduce to her or teach her to do. (I am obviously very musically uninclined). Bravo, Ellie!” masayang pagbabahagi ni Andi.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmman

Samantala, maraming netizen din ang natutuwa sa kung paano naging mabuting halimbawa sina Andi at Jake bilang hiwalay na mga magulang ni Ellie.

Loading…