Angel Locsin bumuwelta sa pasaring ni Vivian Velez ukol sa pagiging stockholder ng ABS-CBN Corporation

  • Hindi na nakapagpigil pa si Angel Locsin sa parinig sa kaniya ng kapuwa aktres na si Vivian Velez sa isang social media post nito
  • Ang post ay ukol sa top 100 stockholders ng ABS-CBN Corporation kung saan kabilang ang pangalang Angelica Colmenares (Angel Locsin)
  • Binigyang-diin ni Locsin na ang anumang maliit na kinikita niya sa kaniyang investment ay idino-donate niya sa charity

Bumuwelta si Angel Locsin ukol sa isang social media post ng kapuwa niya aktres na si Vivian Velez na naglalaman ng listahan ng top 100 stockholders ng ABS-CBN Corporation.

Sa thread ng kaniyang post ay may isang netizen na nagkomento ng “Chinese-Filipinos or just Chinese? Oligarchs? Dummies?” na tinugunan ni Velez ng “And actors?… Angelica Colmenares is Angel Locsin.”

Ang pangalang Angelica Colmenares ay pang-29 sa listahan.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

“I saw some posts and been reading accusations that were thrown at me for speaking up for what I think is right. Just to clear things up,” pambungad ni Locsin sa Instagram post nito.

Aniya, hindi siya interesado sa anumang political party at hindi rin niya inirerepresenta ang sinumang politiko. Nilinaw din ni Locsin na wala siyang existing contract sa ABS-CBN. Anuman daw ang kaniyang i-post sa social media ay wala raw kinalaman doon ang kompanya.

Binigyang-diin din ni Locsin na hindi lahat ng bagay ay tungkol sa pera.

“Sorry to disappoint some people, but money is not everything. Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue,” paglilinaw ni Locsin.

Anuman daw ang maliit niyang kinikita sa investment niya sa ABS-CBN, ang lahat ng iyon ay kaniyang idino-donate sa charity.

“Again, money is not everything. For your knowledge, Maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, Hindi ko pa po pagmamay-ari ang stocks na yun,” pasaring ni Locsin kay Velez.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

Sa kabila nito, nagpahayag pa rin si Locsin ng pagrespeto sa opinyon ng ibang tao.

“Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante,” pagwawakas ng aktres.

Source :

Instagram

Loading…