Angel Locsin, Kathryn Bernardo at iba pa, may appreciation post para sa mga bossing ng ABS-CBN

  • Laganap sa social media ang mga appreciation post ng ilang Kapamilya stars para sa kanilang mga bossing sa ABS-CBN Corporation
  • Ipinahayag ng ilang artista ang tungkol sa kababaang-loob ng president at CEO ng korporasyon
  • May nagpaliwanag din kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging ‘Kapamilya’

Kung ang isang employer ay naging mabuti sa kaniyang mga empleyado, tiyak na sa panahon ng kagipitan ay hindi siya iiwan ng mga manggagawang umunlad ang career dahil sa tulong ng employer na iyon.

Imahe mula sa Facebook page ni Kathryn Bernardo

May kaugnayan ang pahayag sa itaas sa kung paano ngayon sinusuportahan ng mga Kapamilya stars ang mga bossing ng ABS-CBN Corporation sa kinahaharap nitong problema tungkol sa franchise renewal.

Nang magsimula noong Lunes, Pebrero 24, 2020, ang senate hearing tungkol sa isyu ng franchise renewal ng korporasyon ay lalo pang bumuhos ang suporta ng mga artista at manggagawa ng ABS-CBN. Ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak ay kabilang sa mga humarap sa Senado.

Ilan sa mga Kapamilya stars na nagpahayag ng suporta at paghanga sa kabutihan ng kanilang mga bossing ay sina Gary Valenciano, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, at Julia Montes na nagpost ng kanilang mensahe sa Instagram.

Humanga sina Gary at Angel sa kababaang-loob ng kanilang mga bossing.

“It was moving to see the top leaders of ABS-CBN unite in humility. It is one reason why I stand with this company [ABS-CBN],” ayon sa post ni Gary.

“Appreciation post for ABS-CBN bosses! Happy that Filipinos get to see how humble our ABS-CBN bosses are. Ganyan po talaga sila kahit off cam!” ayon naman kay Angel.

Binigyan naman ng depinisyon ni Kathryn ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Kapamilya.

“When it comes to defining what a true “kapamilya” means, our bosses never fail to lead by example. I know this is a tough time for all of us but please know that we and millions of our Kapamilyas are right behind you,” ayon kay Kathryn.

Imahe mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

Pinaalala naman ni Julia na laging mananaig ang kabutihan sa anumang sitwasyon.

“Goodness will always prevail,” makahulugang mensahe ni Julia.

Sana ay masolusyunan ng Senado ang kasong ito na kinakaharap ng ABS-CBN Corporation. Sana ay mabigyan pa rin ng pagkakataon ang korporasyon na maipagpatuloy ang magaganda nitong nasimulan lalo na sa serbisyo publiko.

Loading…