Ano-ano ang mga sintomas ng LAKAMPERA virus?

  • May mapanganib na virus daw, ayon kay Chinkee Tan
  • Ito ay ang “lakampera virus”
  • Nagbigay siya ng sampung sintomas nito

Pagpasok pa lamang ng taong 2020 ay napakarami nang nangyari: mula sa iba’t ibang mga pagyanig, tensiyon sa pagitan ng mga bansa, pagputok ng Bulkang Taal, at pagkalat ng epidemya ng 2019 Novel Coronavirus na pinangangambahan ng lahat sa iba’t ibang bansa.

Sa panahong ito ng “walang katiyakan”, mahalagang may madurukot sa panahon ng pangangailangan.

Ayon sa Facebook post ng financial expert at life coach na si Chinkee Tan, may isa pang uri ng virus na kailangang katakutan. Huwag kayong mag–alala, hindi ito panibagong strain ng Coronavirus, kundi ito ang “Lakampera virus”.

Imahe mula sa Facebook page ni Chinkee Tan

Sa paliwanag ni Tan, lumalabas ang sintomas nito tuwing petsa-de-peligro at tuwing dumadaan sina Judith (due date) at Bill (bills).

Nagbigay pa siya ng sampung sintomas nito. Sinumang “mainfect” ng virus na ito ay makararanas daw ng pananakit ng ulo, pagkabalisa at pagkatulala, pag–iinit ng pakiramdam, at pagkahilo. Maaari din umano siyang manikip ang dibdib, mahirapang huminga at matulog, na maaari namang pagmulan ng eye bags. Mawawalan din siya ng ganang kumain at tila ba lagi siyang may hinihintay.

Natawa naman ang mga netizens at nagbigay ng komento hinggil dito.

“Kung ang bawat tao sana ay may sapat na income at hindi maluho sa katawan, maiiwasan at mababawasan ang mga ganyang pangyayari… gumastos lang po nang naaayon sa kinikita,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kinabahan ako nito, akala ko talaga may bago na namang virus, hindi pa nga yari sa nCov, kung hindi ko nakita ang due date at bills, aakalain ko talagang may panibagong virus. Feeling ko matagal na akong nakararanas ng sintomas ng lakampera virus hahaha.”

Public Domain Image

“Mahirap talaga kapag iyang virus na lakampera ang dumapo sa iyo, mapipilitan kang mangutang hanggang sa malubog ka sa pinagkakautangan,” opinyon naman ng isa.

Kaya habang maaga pa, dapat iwasan mo na ang “lakampera virus” na ito. Magsumikap at matutong magtipid at mag–ipon upang may maipanlaban sa tunay na sakit!

Source :

Facebook

Loading…