Arjo Atayde, umamin na napag-uusapan din nila ni Maine Mendoza ang kasal

  • Isa si Arjo Atayde sa mahuhusay na aktor sa kaniyang henerasyon na nakabihag sa puso ni Maine Mendoza
  • Kahit mahigit isang taon pa lamang ang relasyon ng dalawa ay inamin ng binata na napag-uusapan naman nila ang kasal
  • Gayunman, inamin ni Arjo na kung mangyayari man iyon ay mas gusto niya na gawin itong pribado

Kapag ang magkasintahan ay lubos ang pagmamahalan sa isa’t isa, marami ang umaasa na sila ang magkakatuluyan at magkasamang haharap sa dambana. Ganito rin umamo ang pangarap nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Imahe mula sa Faecbook page ni Arjo Atayde

Ayon sa isang panayam ng Pep kay Arjo, napag-uusapan na rin nila ni Maine ang kasal ngunit kung ito man ay mangyayari mas nais ng aktor na ito ay gawing pribado.

“I want it more private for myself, for my family, for everyone,” sabi ni Arjo.

Sinabi ng aktor na sa edad niyang 29 ay nakahanda naman siya sa kasal. Si Maine ay 24 naman. At kung ikakasal nga si Arjo, tiniyak niya sa panayam ng Pep na si Maine ang magiging bride.

Tiniyak din ni Arjo na parehong tanggap sa magkabilang panig ang mahigit isang taong relasyon nila ni Maine. Ramdam ng binata ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng pamilya ng kasintahan.

“Very welcoming din po and very protective rin po as well. I love them. Very mabait po sila, wala po akong masabi,” dagdag ng aktor na sumusubok na ring maging screenwriter at movie producer.

Kung gayon, hindi kailanman magiging balakid sa kasalang Arjo at Maine ang kanilang mga magulang. Kung mayroon mang tutol ay iyon marahil ay ilan sa mga ‘fans’ ng dalaga.

Katunayan nito ang pagpapa-trending sa Twitter ng #NoToArjoTheUser noong Enero 6, 2020 na tinugunan naman ni Maine ng #YesToArjo.

Imahe mula sa Facebook page ni Arjo Atayde

Samantala, si Arjo ay kasalukuyang kapareha ni Julia Montes sa weekly TV series na 24/7 ng ABS-CBN. Hinangaan ng binata ang husay ni Julia na una niyang nakasama sa isang proyekto.

“When you’re in a scene with her, mata niya pa lang, ramdam mo na siya. And we appreciate her as a friend,” paglalarawan ng aktor kay Julia.

Ayan, binigyang-diin talaga ni Arjo na ‘as a friend’ si Julia kaya ang haba talaga ng hair ni Maine Mendoza!

Source :

Pep

Loading…