Artist, iginuhit si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng lapis

  • Iginuhit ng isang artist si Pangulong Rodrigo Duterte
  • Ginamit lamang niya ang isang brand ng lapis
  • Humanga naman ang mga netizens sa talento ng artist

Hindi dapat itinatago ang talento, lalo pa’t kung ito ang magiging daan upang maging maayos at matagumpay ang paraan ng pamumuhay, at makapagbibigay ng ibayong inspirasyon sa kapwa.

Hinangaan ng mga netizens ang mahusay na pagguhit ng isang artist na nagngangalang “Geno Dispo Dag-um” sa pamamagitan lamang ng lapis. Sa kaniyang Facebook post, ipinamalas niya ang kaniyang talento sa pagguhit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa Facebook account ni Geno Dispo Dag-um

Hinimok niya ang publiko na suportahan siya sa pamamagitan ng pag–subscribe sa kaniyang sariling YouTube channel upang makabili siya ng mga kagamitan sa pagpipinta.

“Hi po mongol 1 lang po ang ginamit ko, hihingi po sana ako ng tulong sa paraang pa–subscribe po sa YouTube channel ko (Bohol Style Art) baka–sakaling makabili po ako ng gamit. Para maguhit ko na ang mahal na pangulo natin ng magandang gamit tagala…sa may willing lang po…”, aniya.

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Galing naman. Good job. GOD bless your skillful hands,” turan ng isa.

“What a talent! You are adorable…have some more so others would buy…”, turan naman ng isa.

Panawagan naman ng isa, “Sana matulungan ng government ang mga taong may talent na ganito. Kahit mongol lang ang gamit mo, maganda pa rin ang likha mo. Magaling ka. Ipagpatuloy mo lang po ang pagguhit sapagkat maaari mo itong magamit upang umangat sa buhay!”

“Boy taga saan ka? Sana malayo ang marating mo. Kung nasa malapit lamang ako, isponsoran kita. Magagamit mo ang talent mo to succeed and explore the world. May potential kang maging isang art painter. Go lang bro…
Share ko gawa mo para makita ng iba pa nating kababayan at matulungan ka sa iyong munting hiling,” sabi ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Geno Dispo Dag-um

Napakahusay, hindi ba? Sana ay makahanap siya ng sponsor upang mapondohan pa’t makagawa ng mas maraming obra maestra.

Source :

Facebook

Loading…