Artist umukit ng halos 12,000 na butas sa isang itlog nang hindi ito nabasag

  • Isang artist sa Turkey nakagawa ng halos 12,000 holes sa itlog nang hindi ito nabasag
  • Bukod sa 12,000 holes ay inukit pa niya ang mga katagang “Diyos” at “Prophet Muhammad” sa wikang Arabic
  • Nakagawa ang artist ng bagong world record para sa pinakamaraming butas sa isang eggshell

Gumawa ng bagong world record si Hamit Haryan, ang number one egg carving artist ng bansang Turkey, para sa pinakamaraming butas na inukit sa isang itlog – halos 12,000 holes.

Imahe mula sa AA

Napakahirap isipin kung paanong ang isang tao ay nakapagbubutas ng libo-libong beses sa isang chicken egg nang hindi ito tuluyang nababasag, pero ang 62-anyos na si Hamit Haryan ay eksperto na sa ganito.

Si Haryan ay naging isang baldado nang maaksidente siya sa trabaho noong 1988. Ilang taon din siyang hindi makatayo at makalakad. Noong 1990 ay sinimulan niyang gugulin ang kanyang mga oras sa egg-shell carving at hindi naglaon ay naging tanyag siya bilang isa sa pinakamahuhusay na egg carving artists sa buong mundo.

Bukod sa paglikha ng napakagagandang artwork gamit ang eggshells, nagpursigi rin si Haryan na makagawa ng isang world record ng pinakamaraming butas na inukit sa isang itlog.

Una niya itong nagawa nang maungusan niya ng isang Pakistani na may hawak noon ng world record ng pinakamaraming nagawang butas sa isang eggshell. Nakagawa siya ng 8,708 holes sa itlog para mabura ang record na 7,500 holes na hawak ng Pakistani artist.

Imahe mula sa AA

At ngayon nga ay nalampasan niya ang sarili niyang record nang mabutasan niya ang itlog ng halos 12,000 na beses.

“I previously beat a Pakistani artist’s record of 7,500 holes with my 8,708 holes. Now I beat my own record with 11,827 holes,” pahayag ni Haryan sa isang panayam.

Aniya, inabot siya ng isang taon para magawa ang bagong record, kabilang na ang pag-ukit niya sa mga katagang “Diyos” at “Prophet Muhammad” sa wikang Arabic.

Imahe mula sa AA

Dagdag pa niya, mag-a-apply siya para sa recognition mula sa Guinness Book of World Records.

Hindi idinetalye ni Haryan kung paano niya nagawa ang halos 12,000 holes nang hindi nababasag ang itlog, pero sinabing inalis niya muna ang laman ng itlog sa pamamagitan ng isang herenggilya. Tunghayan ang kanyang video sa YouTube.

Imahe mula sa AA

Loading…