Aso na tatlong taon nang nawawala natagpuan ng may-ari dahil sa isang beer can

  • Aso na nawala ng tatlong taon muling natagpuan ng may-ari dahil sa isang beer can
  • Sa isang patalastas ng brewery sa Florida naka-imprenta sa beer can ang larawan ng mga asong ipaaampon
  • Napatunayan ng may-ari sa pamamagitan ng mga records at larawan na ang aso sa beer can ay ang alagang nawawala

Tatlong taon na ang nakalilipas nang mawala ang alagang aso ni Monica Mathis noong sa Iowa pa siya naninirahan. Hindi na siya umaasa na muli pa niyang makikita ang alagang si Hazel. Subalit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, natagpuan niya ang matagal nang nawalay na alaga at ngayon ay nakatakda na silang muling magkita.

Imahe mula sa Facebook page ng Motorworks Brewing

Kuwento ni Mathis, na sa Minnesota na naninirahan, nag-i-scroll siya sa Facebook nang may larawan na pumukaw sa kanyang pansin. Isa iyong patalastas ng isang brewery sa Florida kung saan nakita niya ang isang pamilyar na mukha na naka-imprenta sa gilid ng beer can.

Sa post ng Motorworks Brewing ay ipinakita ang isang hilera ng mga beer cans kung saan naka-imprenta ang mukha ng mga aso sa Manatee, Florida na maaaring ampunin.

Agad na nakilala ni Mathis si Hazel, na ang pangalang nakalagay sa patalastas ay “DayDay.”

“Be sure to watch @mysuncoastview this morning! DayDay will be making her television debut and we’ll be talking about pet adoptions @motorworksbrewing and Shelter Manatee!” post ng Motorworks Brewing.

Noong una ay duda si Mathis dahil sa Florida ang patalastas, pero sinabi niya na hindi niya iyon babalewalain. Kailangan niyang matiyak.

Imahe mula sa Manatee County Animal Shelter

“The smile, the ears, her defining ears, and just the markings on her face. I was doubtful because it was Florida, but it’s not like I was just going to brush it off. I have to check,” aniya.

Agad na tumawag si Mathis sa Manatee County Animal Services at umaasang hindi mali ang kutob niya.

Kinumpirma ng Manatee County Animal Services na Hazel nga ang pangalan ng aso dahil sa microchip na nakakabit dito, pero ang ilang impormasyon ay hindi updated tulad ng contact details.

Imahe mula kay Monica Mathis

Dahil sa mga papeles, records sa veterinary at mga larawan ay napatunayan ni Mathis na si DayDay ay ang nawawalang si Hazel.

Si Hazel ay ipadadala sa Minnesota para makapiling ang among si Mathis. Sasagutin ng Friends of Manatee County Animal Services ang transportasyon ng aso.

Sa wakas, magkakasama nang muli ang master at si doggy

Source :

Fox9, Facebook

Loading…