Asong bumibiyahe at namamasyal mag-isa, instant celebrity sa Seattle

Imahe mula sa Facebook | Eclipse Seattle's Bus Riding Dog
  • Celebrity ang turing sa isang aso sa Seattle na bumibiyahe at namamasyal sa parke nang mag-isa
  • Nagsimula raw ito nang minsang mainip siya sa paghihintay sa kaniyang amo
  • Bigla raw itong sumakay sa bus nang mag-isa at ligtas naman na nakarating sa parke

Strong, independent dog.

Ganito kung ilarawan ang isang Labrador sa Seattle sa USA na bumibiyahe at pumupunta sa parke nang mag-isa.

Imahe mula sa Facebook | Eclipse Seattle’s Bus Riding Dog

Nagsimula raw mamasyal nang mag-isa ang asong si Eclipse nang minsang matagalan sa pakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kaibigan ang may-ari sa kaniyang si Jeff Young. Nagulat daw si Young nang bigla na lamang sumakay sa dumating na bus ang aso. Nakarating naman daw ito nang maayos sa parke.

Ikinuwento ito ni Young sa Facebook fan page ni Eclipse na may mahigit 71k likes na.

“After a couple of hundred trips to the dog park with me she got impatient one day while I was talking to friends and just hopped on the bus and headed off to the park. I went into a panic and then headed to the dog park to find her just doing her thing. Since then she has repeated her trip,” saad sa Facebook page ni Eclipse.

Imahe mula sa Facebook | Eclipse Seattle’s Bus Riding Dog

Simula noon ay kakilala na ng mga regular na commuter si Eclipse at naging tila isang celebrity na. Kahit saan kasi ito magpunta ay may nakakikilala sa kaniya.

“All the bus drivers know her. She sits here just like a person does. She makes everybody happy. How could you not love this thing?” sabi ng commuter na si Tiona Rainwater sa Komo News.

Ayon sa MNN, tatlo o apat na stops daw ang dog park na madalas puntahan ng aso. May transit card daw si Eclipse na nakalagay sa kaniyang harness.

Minsan daw ay nakatatanggap si Young ng mga tawag upang ipaalam kung nasaan si Eclipse. “Probably once a week I get a phone call. ‘Hi. I have your dog Eclipse here on 3rd and Bell. I have to tell them, ‘No. She’s fine.’ She knows what she’s doing,” sabi niya.

Tunay ngang nakabibilib ang asong si Eclipse!

Loading…