Ayaw ng VIP treatment: Sen. Zubiri ipinaliwanag na ‘di niya ideya ang paglakad sa red carpet sa bukid

  • Sen. Migz Zubiri ipinaliwanag ang kumalat niyang larawan na naglalakad sa red carpet sa gitna ng bukid at pinapayungan pa
  • Nagpaliwanag ang senador na hindi siya ang klase ng politikong humihingi ng VIP treatment
  • Sabi ni Sen. Zubiri, ang taumbayan na kanyang pinagsisilbihan ang tunay na VIP
  • Ipinagtanggol siya ng mga taong nakakakilala sa tunay niyang pagkatao

Nagpaliwang si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri hinggil sa isang larawan na lumabas sa social media kung saan nakita siya na naglalakad sa red carpet sa gitna ng isang bukid sa Batangas.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Migz Zubiri

Sa isang Facebook post na ngayon ay burado na, ipinakita ang larawan ng senador na bukod sa paglalakad sa red carpet ay pinapayungan pa siya ng ilang kalalakihan.

“This is the height of entitlement. Red carpet sa bukid para kay Migz Zubiri,” caption sa nasabing post na ibinahagi ng senador sa kanyang Facebook account kasabay ng kanyang paglilinaw sa insidente.

Paliwanag ng beteranong mambabatas, hindi niya ideya ang paglalakad sa red carpet at ang ginawang pagpayong sa kanya. Sa katunayan daw ay paulit-ulit niyang pinagsabihan ang mga lalaki na huwag siyang payungan dahil hindi niya iyon kailangan, at mas lalo raw na hindi niya kailangang lumakad sa red carpet.

“For the record, the post on FB showing me walking on a red carpet in an open field and with people holding umbrellas over my head was never my idea. As a matter of fact I kept telling them not to make me payong as I didn’t need it and I most especially did not want a red carpet,” anang senador sa post niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Migz Zubiri

Nangyari umano ang insidente nang magtungo siya sa San Luis, Batangas noong ika-29 ng Enero upang ibigay ang financial assistance mula sa mga mamamayan ng Bukidnon para sa mga Taal evacuees.

Sinabi pa ng butihing senador na ayaw niya ng VIP treatment, dahil ng tunay na VIP ay ang taumbayan na pinagsisilbihan niya bilang mambabatas.

Humingi siya ng paumanhin sa mga taong nakakita ng larawan dahil sana raw ay pinilit niya ang staff niya na alisin ang red carpet at ang ipatigil ang ginawang pagpayong sa kanya ng “overly protective and excited LGU.”

May mga netizens na nakakakilala sa tunay na pagkatao ni Sen. Migz Zubiri ang nagtanggol sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga komento. Maging ang lokal na pamahalaan ng San Luis ay nagbigay ng pahayag tungkol sa pangyayari.

Source :

Facebook

Loading…