Babae sa viral brokenhearted video, road safety advocate na

Imahe mula sa Facebook | Rosemarie Tan at LTO NCR
  • Isa na ngayong advocate ng road safety ang babae sa viral brokenhearted video na lumuluha habang sakay ng motor
  • Ipinatawag siya at ang driver ng motor ng LTO sa kanilang opisina
  • Nagpaalala naman ang LTO sa mga motorista na seryoso sila sa pagpapatupad ng batas trapiko

“Nagmahal, nasaktan, na-isyuhan ng show cause…at naging advocate ng road safety.”

Ganito inilarawan ng Land Transportation Office (LTO) si Rose Marie Tan, ang babaeng sakay ng motor sa viral brokenhearted video na napaluha habang umaawit.

Imahe mula sa Facebook | LTO NCR

Kahit sawi, ipinatawag ng LTO si Tan dahil sa paglabag sa Section 1J36 o motorcycle “carrying more passengers other than the saddle bags and luggage carriers” at 1H o ang “Failure to wear standard protective motorcycle helmet or failure to require the back rider to wear the standard protective helmet” sa ilalim ng Republic Act 10054 ng Joint Administrative Order 2014-01.

Sa opisyal na Facebook page ng LTO – National Capital Region, sinabi nila na dumalo sa pagpupulong si Tan kasama ang driver ng motor sa trending video na si Reymundo Zamora.

Nanindigan daw si Assistant Regional Director Rox Verzosa III na seryoso ang LTO sa pagpapatupad ng batas trapiko.

“Madiin niyang sinabi na walang pinapanigan at kinukunsinti ang ahensya lalo na kung ang kapakanan ng mamamayan ang nakasalalay rito,” sabi ng LTO sa kanilang pahayag.

Nagkasundo raw sina Verzosa at Tan na magiging tagapagtaguyod ang uploader ng adbokasiya para sa kaligtasan sa daan. Samantala, ang driver naman ay binigyan ng Temporary Operators Permit dahil sa paglabag.

Imahe mula sa Facebook | LTO NCR

“Huwag gawing biro ang paglabag sa batas trapiko dahil nagpapatuloy ang Land Transportation Office sa layunin nito na mapanatiling ligtas ang bawat isa sa lansangan upang maiwasan ang disgrasya,” sabi nila.

Matatandaang nagbigay ng open letter ang LTO Region VII kay Tan. Anila, “Ingatan mo ang pus0 mo, pero ingatan mo rin ang ulo mo. Mag-helmet ka,” sabi nila. “Gaya ng relasyon, huwag kang umangkas kung may angkas na itong iba.”

Nagbahagi kasi si Tan ng isang video kung saan makikitang sakay siya ng isang motorsiklo kasama ang dalawa pa habang luhaan na umaawit ng kantang “Binalewala.”

Balikan dito ang video ni Rosemarie:

Source :

LTO, DF Balita

Loading…