Babala: Nauusong “Tripping Jump Challenge” prank napakadelikado, huwag pamarisan

  • Tripping Jump Challenge na nauuso sa social media, delikado at hindi dapat pamarisan
  • Marami na ang nasaktan sa challenge
  • Hinihikayat ng mga awtoridad ang mga magulang na kausapin ang mga anak tungkol sa wasto at responsableng paggamit ng social media

Sari-saring mga prank at challenges ang lumilitaw sa social media na pumupukaw sa atensyon ng publiko na ang pangunahing layunin ay makahakot ng maraming “likes” at “views.” Marami ang nakikibahagi sa mga naturang challenges upang masabi lang na nakasusunod sila sa uso.

Screenshot mula sa WSVN video

Isang prank na trending ngayon sa mga video sharing platform ang hindi dapat pamarisan dahil napakadelikado niyon. Ito ang “Tripping Jump Challenge.”

Marami na ang nasaktan at naospital sa ganitong prank at mayroon na rin umanong nasawi dahil dito.

Ganito ginagawa ang prank: Hihikayatin ng dalawang pranksters ang isang kaibigan na walang kamalay-malay sa planong gawin sa kanya. Sabay-sabay umano silang tatalon upang malaman kung sino ang pinakamataas tumalon sa kanilang tatlo.

Kapag tumalon na ang target na nakapuwesto sa gitna ay sisipain o papatirin ng pranksters ang mga paa nito upang makita kung gaano kalakas itong babagsak.

Ang Ministry of Education, Youth and Information sa bansang Jamaica ay nagbigay ng babala sa mga paaralan at mga estudyante hinggil sa nauusong ito.

Screenshot mula sa WSVN video

“The prank is a horrific act and demonstrates a lack of good judgment on the part of those involved and should not be tolerated. Students are partaking in the prank, not realizing that a fall of such nature can cause serious physical, mental and emotional damage with great legal and financial implications.”

Isang estudyante naman sa Florida ang nagbahagi ng karanasan matapos mabiktima ng Tripping Jump Challenge.

“I don’t even know if it’s describable, how much it hurts. Not just physically but mentally.  I jumped really high, and I remember them kicking me off my feet, and I fell on my head,” salaysay ng 16-anyos na estudyante.

Dahil sa dumaraming bilang ng nasasaktan sa prank, hinihikayat ng mga awtoridad ang mga magulang na kausapin ang mga anak tungkol sa responsableng paggamit ng social media at paalalahanan sila na ang respeto at malasakit sa kapwa ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay na nauuso sa social media.

Maaaring panooring ang video na ibinahagi ng GMA news via YouTube.

Imahe mula sa World of Buzz

Loading…