Bachelor of Science in Esports, posibleng maging kurso sa kolehiyo

Imahe mula sa Facebook | Tier One Entertainment at TryQ
  • Isinusulong ng gaming agency na Tier One Entertainment sa tulong ng Lyceum of the Philippines University ang kurso sa esports
  • Ang apat na taong kursong ito ay magbibigay raw ng maraming oportunidad sa mga kukuha nito
  • Magandang pagkakataon daw ito upang mapatunayan nilang hindi aksaya sa panahon ang esports

Hindi maitatanggi ang pagiging popular ng esports sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Sa katunayan, sa unang pagkakataon ay napabilang ito sa regular medal event ng 2019 Southeast Asian Games (SEA Games).

Imahe mula sa Facebook | TryQ

Marami nang mga unibersidad sa ibang bansa ang nagpakilala sa esports bilang isang kurso. Sa Pilipinas, isinusulong na rin ng gaming agency na Tier One Entertainment, sa tulong ng Lyceum of the Philippines University, ang apat na taong kursong Bachelor of Science in Esports.

“We are weeks away from reaching one of the biggest milestone in Philippine esports history. In the recent years, multiple universities around the world have opened their institutions to esports courses and as one of the biggest esports market in Asia, this is the Philippines’ turn to take that leap,” sabi ni Tier One Entertainment CEO Tryke Gutierrez sa kaniyang Facebook page.

Maaari raw mamili ang mga kukuha ng kursong ito kung kukuha sila ng game design o esports management. “I can’t disclose the full subjects yet but we are 80 percent done,” saad niya.

Imahe mula sa Facebook | TryQ

“The goal has always been to create more opportunities for gamers in Asia. If this curriculum gets approved, we won’t just be providing post career opportunities for gaming but we will have a new generation of graduates ready to work in the esports industry.”

Nakiusap din siya sa mga nagbabalak na kumuha ng kursong ito sakaling maaprubahan na seryosohin ito upang mapatunayan na hindi lamang aksaya sa oras ang egames. “[T]his is a golden opportunity to show our society that gaming is not a waste of time. I’m giving you a heads up that this course is not going to be easy,” aniya. “It’s not going to be just about fun and games… You need hard work, sacrifice, skills, professionalism and many more.”

Sa March 4 daw ay ipapasa nila sa Commission on Higher Education ang ginawang esports curriculum design. “I’m calling all the gamers out there to be ambassadors of our esports dream and help us educate the non-believers about the real potential of the gaming industry in order for the enrollees’ parents to agree to take this course.”

Loading…