Bagong “Crush ng Bayan”: Sino nga ba si ABS–CBN President and CEO Carlo L. Katigbak?

  • Bagong “crush ng bayan” si ABS–CBN President at CEO Carlo L. Katigbak
  • Kinakiligan ng mga netizens ang kalmado, propesyunal, at matalinong pagdadala niya sa kaniyang sarili at pagsagot sa mga tanong noong senate hearing
  • Isa raw siyang halimbawa ng taong  “with grace under pressure”

A good leader with charm, intelligence, and wit. Humble leader with demeanor. Classy man, with grace under pressure. Gwapo. Ang mga positibong salitang iyan ang naging bukambibig ng mga netizens para kay ABS–CBN President at CEO Carlo L. Katigbak matapos mapanood ito sa senate hearing noong Pebrero 24, 2020, kaugnay ng pagre–renew sa prangkisa ng Kapamilya Network.

Marami ang kinilig kay Katigbak at naging trending pa sa mga social media dahil sa kalmado, tiyak, at matalinong pagsagot nito sa mga tanong mga senador hinggil sa mga isyung ibinabato sa Kapamilya Network, na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang prangkisa upang patuloy na makapagbigay ng serbisyo sa broadcast media. Tanong ng marami: sino nga ba si Carlo L. Katigbak?

Public Domain Image

Ipinanganak noong Abril 24, 1970 si Carlo Joaquin Tadeo Lopez Katigbak na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Management Engineering sa Ateneo De Manila University noong 1991, at nakompleto ang Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2009.

Masasabing malawak na ang kaalaman at karanasan ni Katigbak sa management. Una siyang naging financial analyst sa First Pacific Capital Corporation noong 1992. Nagsilbi siya bilang Vice President for Provincial Operations ng kompanyang Sky Cable noong 1998 at bilang Chief Operating Officer o COO nito mula 2005 hanggang 2012, at naging President nito noong 2013.

Noong 1999, naging Managing Director siya ng ABS-CBN Interactive, at dinala ang broadcasting sa online at mobile business, patungo sa makabagong platform upang makasabay sa digital age. Naitalaga siya bilang bagong President at Chief Executive Officer ng ABS-CBN noong 2015 matapos magretiro si Charo Santos–Concio.

Sa pamumuno ni Katigbak nagkaroon ng ABS–CBN Mobile at ABS–CBN TV Plus o kilala rin sa tawag na “Mahiwagang Black Box” kung saan mas mapagaganda pa ang reception ng telebisyon sa panonood sa Kapamilya Network at makapamimili pa ng iba’t ibang mga panoorin ang mga televiewers.

Samantala, narito naman ang ilang mga Twitter post ng mga netizens na humanga kay Carlo Katigbak na tinawag na “Katigbakers”:

“Sana all. Sir Carlo Katigbak is the new definition of grace under pressure. Aside from being a good–looking guy, napakatalino rin niya, kalmado, cool, at may demeanor sa pagsasalita. Patunay na we can’t buy class talaga,” papuri ng isa.

“Regardeless of the issue, I admire how Carlo Katigbak manage to look so calm, really you can’t buy class and humility. ABS–CBN sent the right person, well–educated and well–mannered. Bravo!” saad naman ng isa.

Public Domain Image

“I really admire how Mr. Carlo Katigbak speaks in front of the senator. Very professional. Mas mukha pa siyang senador kaysa sa iba diyan na nagmamagaling lang… bato, bato sa langit ang tamaan huwag magalit!” sabi naman ng isa.

Samantala, pabiro namang sinabi ni Vice Ganda na may asawa na si Sir Carlo Katigbak kaya “sorry” na lamang daw sa pandudurog niya sa puso ng mga humahanga sa bagong crush ng bayan.

Loading…