Balikan: Isa ka ba sa napatawa ng makukulit na anime na ‘Crayon Shin Chan’ at ‘Atashin’chi’?

  • Marami ang naaliw sa mga anime na Crayon Shin Chan at Atashin’chi
  • Makukulit kasi ang mga bida sa anime na ito na naging malaking bahagi ng kabataan ng marami
  • Hiling nila, sana raw ay maipalabas muli ang mga anime na ito  

Nakilala ang mga animated series mula Japan o mas kilala bilang anime dahil sa maaaksiyon nitong tema. Marami ang humanga ang sa kakaibang lakas ng mga tauhan sa iba’t ibang anime tulad nina Eugene ng Gh0st Fighter, Son Goku ng Dragon Ball, at Recca ng Flame of Recca.

Ngunit maliban sa action-packed series mula Japan, may ilang anime din ang tinutukan sa Pilipinas na nakatatawa naman ang tema. Dalawa sa mga pinakatumatak ay ang programang Crayon Shin Chan at Atashin’chi na naging malaking bahagi ng kabataan ng marami sa atin.

Larawan mula sa Facebook

Taong 2001 nang ipalabas sa IBC-13 ang Tagalized version ng Crayon Shin Chan na binosesan pa ng sikat na rapper at aktor na si Andrew E. Pumatok sa maraming kabataan ang makulit at pily0ng si Shin Chan. Siya ang masasabing anime version ng Pinoy folk tale na Juan Tamad dahil ayaw niyang gumawa ng maraming bagay. Hyper lamang si Shin Chan kapag gagawa ng kal0kohan na nagbibigay naman ng ngiti sa mga manonood.

Gayunman, dahil nga sa kakulitan na ipinakikita ng karakter ni Shin Chan sa anime, nabalot din ito ng kontrobersya at naglipana ang ilang panukala na ipagbawal itong ipalabas dahil hindi raw magandang impluwensiya sa mga bata.

Ngunit nagpatuloy ang pagpapalabas sa nasabing anime at pinanindigang kasama sa kultura ng mga anime ang kakulitang dala ng ilang tauhan. Matapos ipalabas sa IBC 13, muling umere ang adventures ni Shin Chan sa RPN 9.

Isang pampamilyang kuwento naman ang handog ng anime na Atashin’chi na ipinalabas sa GMA Network noong late 2000s. Kinatuwaan ang makulit na nanay sa serye na si Mrs. Tachibana na laging nagiging suliranin ng kanyang pamilya, kabilang ang mga anak niyang si Mikan at Yuusuke.

Larawan mula sa Facebook

Tungkol sa pamumuhay ng isang simpleng Japanese family ang kuwento ng anime. Maraming anak ang naka-relate sa anime dahil isinasabuhay ni Mrs. Tachibana ang karaniwang ina na madalas magsermon, maraming panukala sa bahay, at mahigpit sa kanyang mga anak.

Maraming netizens naman ang na-miss ang mga anime na ito na hindi na napapanood ngayon sa telebisyon. Hiling nila, sana raw ay mapanood nilang muli ang mga anime na ito at makapagbigay naman ng ngiti sa kanila lalo na’t maraming suliranin ang mundo ngayon.

Loading…