Banta ni Pang. Duterte tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, hindi raw literal

Imahe mula sa PNA
  • Ayon kay spokesperson Salvador Panelo, hindi literal ang banta ni Pang. Rodrigo Duterte sa ABS-CBN na sisiguraduhin niyang makakansela ang prangkisa ng network
  • Ang ibig sabihin daw ng pangulo ay hindi niya hahayaan ang network na manlok0
  • Makailang ulit nang sinabi ni Pang. Duterte na hindi niya hahayaang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN na mapapas0 ngayong Marso

Hindi raw literal ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na inakusahan niyang biased ang pag-uulat at hindi umano ipinalabas ang kaniyang campaign ad noong 2016.

Imahe mula sa Wikipedia

Sabi ni spokesperson Salvador Panelo, hindi raw gagamitin ng Pangulo ang kapangyarihan ng kaniyang opisina upang ipasara ang network.

“The President’s utterances on his personal displeasure with ABS-CBN and his statement that he will see to it that ABS-CBN will be shut down, that should not be taken literally,” sabi ni Panelo, ayon sa ulat ng GMA News.

“What he (Duterte) meant is he will not allow ABS-CBN to be committing fraud against those who contracted to air campaign commercials. That’s what he meant.”

Matatandaang makailang ulit nang binanggit ni Pang. Duterte na hindi siya papayag na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN na mag-eexpire ngayong parating na buwan ngMarso. Ang inyong franchise magend next year. If you are expecting na marenew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out,” sabi noon ng Pangulo.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Kamakailan lamang ay naghain si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema. Ang “Very Urgent Omnibus Motion” ay naglalayong ipakansela ang prangkisa ng ABS-CBN at ABS-CBN Convergence dahil umano sa paglabag nila sa kanilang legislative franchises.

Depensa naman ng network, wala silang batas na nilabag. “We did not vi0late the law. This case appears to be an attempt to deprive Filipinos of the services of ABS-CBN,” sabi nila sa kanilang pahayag.

Nagpahayag  na ng mensahe ng pagsuporta ang ilang mga artista at reporter mula sa iba’t ibang network para sa ABS-CBN.

Source :

PNA, GMA News, CNN

Loading…