“Basta si God ang nasa heart mo, lahat ng kasalanan mawawala” – Jelai Andres kay Jon Gutierrez

  • Trending ang latest vlog ni Jelai Andres kung saan ibinahagi rito ang tungkol sa Valentine’s date nila ng asawang si Jon Gutierrez
  • Maraming nakakatawang eksena sa kanilang date at marami ring mala-hugot na hirit si Jelai kay Jon
  • Magkabalikan na kaya ang dalawa matapos ang kanilang pagkakahiwalay dulot ng pangangaliwa ni Jon?

Umabot na sa mahigit dalawang miyong views ang latest vlog ni Jelai Andres kung saan nagkita sila ng kaniyang ‘ex’ na si Jon Gutierrez aka King Badger ng Ex Batallion. Ang dalawa ay unang sumikat sa paggawa ng vlog at nakilala bilang Team JoLai.

Ang Team Jolai na sumikat sa YouTube ay nauwi sa kasalan noong Oktubre 2018. Gayunman, makalipas lamang ang ilang buwan ay nagkahiwalay sila dahil sa isyu ng pangangaliwa ni Jon.

Screen grab mula sa YouTube channel ni Jelai Andres

Sa kabutihang-palad, tila unti-unti nang nawawala ang hinanakit ni Jelai sa asawa lalo pa’t pumayag ito sa paanyaya ni Jon na sila ay mag-date.

Ang paanyaya umano ni Jon ay ilang araw ding pinag-isipan ni Jelai bago siya pumayag.

Ang latest vlog ni Jelai na pinamagatan niyang “Wala akong ka date, sige nga pwede na to! Hahaha! Char!” ay kinakiligan ng kanilang mga followers.

Si Jelai ang sumundo kay Jon dahil coding daw ang sasakyan ni Jon. Kasama ni Jelai ang kaniyang pamangkin na si Ayana.

Bukod sa bulaklak, may binigay ring mangga at balot si Jon na parehong paborito ni Jelai.

Ayon sa paliwanag ni Jon, lahat ng gusto ni Jelai ay kaya na nitong bilhin ngunit wala raw lalaking magbibigay rito ng mangga at balot kundi siya lamang kaya mas memorable iyon.

May halong komedya ang daloy ng usapan nina Jon at Jelai ngunit mapapansin ang ningning sa kanilang mga mata sa tuwing magtatama ang kanilang paningin.

Maka-ilang beses ding nagtangkang suyuin ni Jon ang asawa kahit may mga mala-hugot na hirit si Jelai.

Kumain sina Jelai at Jon sa isang restaurant na madalas na nilang kinakainan. Pagkatapos, nagpunta sila sa Santuario de San Antonio Parish. Sa simbahang ito madalas magpunta ang dalawa lalo na sa tuwing magpapasalamat sila sa mga blessings na kanilang natatanggap.

At para kay Jon, blessing ang pagkakasama nila ni Jolai sa araw na iyon. Humirit din si Jon na mag-couple shirt silang dalawa.

“Sobrang mahal kita,” sinabi ito ni Jon habang humihirit siya ng joke kay Jelai.

Screen grab mula sa YouTube channel ni Jelai Andres

May eksena rin na naging seryoso ang usapan ng dalawa kung saan nasabi ni Jelai na: “Lahat naman ng tao nagkakasala. Basta si God ang nasa heart mo, lahat ng kasalanan mawawala.”

Gabi na nang matapos ang date ng dalawa at nagbigay ng pag-asa si Jelai nang sabihin nitong hindi pa iyon huli at okay na okay naman silang dalawa.

Source :

YouTube

Loading…