Batang lalaki na inaalalayan ang kanyang mga magulang na hindi nakakakita, umantig sa mga netizens

  • Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang mag-anak na nasa lansangan
  • Kakaiba kasi ang pamilya dahil hindi nakakakita ang mag-asawa habang akay ng musmos nilang anak
  • May tali rin na nakakabit sa baywang ng mga magulang na hawak ng anak upang hindi sila magkahiwa-hiwalay

Obligasyon ng mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak. Isang malaking responsibilidad ito na kung minsan ay nagiging isang pagsub0k sa ilang mag-asawa dahil sa malalaking bagay na kaakibat nito.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagmumula ang paggabay at pagbabantay sa mga magulang. Dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari, kinakailangan minsan na ang anak ang gumabay sa kanyang nanay at tatay.

Larawan mula sa Facebook post ni John Cuenca Alterado

Ganito ang mensahe ng larawang in-upload ng netizen na si John Cuenca Alterado sa kanyang Facebook account.

Makikita rito ang isang batang lalaki na ginagabayan ang kanyang mga magulang na hindi nakakakita. Sa mga unang larawan ay nakaupo sila sa sidewalk. Sa huling larawan ay dito makikitang paalis na ang mag-anak.

Upang masiguro ng musmos na hindi mawawala ang kanyang mga magulang, pinili nito na lagyan ng tali sa baywang ang mga magulang. Sa kabila ng pag-aalaga ng bata sa kanyang mga magulang, makikita pa rin ang matamis na ngiti nito, tila sinasabing kahit mayroong mga pagsub0k, basta kasama ang mga magulang ay kaya pa ring maging masaya ng mga pamilya.

Sa post ni John, ikinuwento nito ang diskarte ng bata sa wikang Bisaya. Umantig ito sa maraming netizen at agad na nag-viral ang nasabing post. Umabot lang naman sa 8,400 reactions na karamihan ay ‘l0ve,’ 1,400 comments, at 13,000 shares ang nakuha ng post.

Marami ang nagpaabot ng paghanga at awa sa sitwasyon ng bata at kanyang mga magulang. Saludo sila sa kabutihan ng loob nito at patuloy na inaalalayan ang mga magulan na may diprensya sa paningin. Sana raw ay mayroong tumulong sa kanila.

Larawan mula sa Facebook post ni John Cuenca Alterado

“Sana ay matulungan sila. Kahit na mahirap ang sitwasyon nila, larawan naman sila ng happy family. Nakaka-proud pati ang kasipagan ng bata. Sana malayo ang marating mo sa buhay!” pahayag ng isang netizen.

Kanya-kanya rin silang tag sa mga kakilala nilang maaaring makatulong sa mag-anak katulad ng magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho at ang trending radio show na Raffy Tulfo in Action.

Loading…