Batang nagtitinda ng sampaguita na nakatulog sa isang parking lot dahil sa pagod, umantig sa netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng isang batang sampaguita vendor
  • Nakatulog na kasi ito sa isang parking lot dahil sa pag0d sa pagtitinda
  • Maraming netizens naman ang naantig at humanga sa masipag na bata

Sa isang mahirap na bansa tulad ng Pilipinas, normal na ang makakita ng mga bata na imbes na naglalaro ay kumakayod na para sa kanilang pamilya o para sa sariling pangangailangan o edukasyon. Mahirap mang tanggapin, ngunit ito na ang realidad para sa maraming musmos sa Pilipinas dahil kung hindi nila ito gagawin ay siguradong mas magiging kalbaryo ang kanilang pamumuhay.

Ganito ang mensahe ng larawang ibinahagi ng Facebook page na Kayumanggi.

Nakuhanan ng larawan ang isang batang sampaguita vendor na habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader  ng isang parke ay nakatulog na dahil sa pag0d sa pagtitinda.

Larawan mula sa Facebook page na Kayumanggi

Nakadagdag pa sa pagkaantig ng mga nakabasa ang caption ng nasabing post.

Ayon sa uploader, marami daw sa atin ay nagrereklamo pa sa mga bagay na mayroon tayo kasi may maliit ito kaysa sa inaasahan natin habang ang ilan daw sa atin ay walang-wala na.

“Nagrereklamo ka sa kaunti mong natatanggap habang iyong iba walang-wala,” sabi ng Kayumanggi page sa kanilang viral post.

Umabot lang naman sa higit 5,500 reactions, 500 comments, at 16,000 shares ang larawan ng masipag na bata. Nagbigay naman ng iba’t ibang opinyon at damdamin ang mga netizen tungkol sa larawan ng batang sampaguita vendor.

Ayon sa mga ina na nakakita sa sitwasyon ng bata, may kurot daw sa kanilang pus0 na makakita ng ganitong mga bata na imbes nakararanas ng kalinga mula sa mga magulang ay nasa balikat na nila ang responsibilidad na kumita para sa kanilang pamilya.

Larawan mula sa Facebook page na Kayumanggi

“Bilang ina, napakasakit na makakita ng ganitong bata na imbes na nag-eenjoy pa ay nagtatrabaho na. Sana ay makaahon kayo hijo, alam kong malayo ang mararating mo,” sabi ng isang netizen na nag-share ng larawan.

Paghanga naman ang mensahe ng iba sa napakasipag na bata. Kahit daw may awa silang nararamdaman ay mas gusto raw nilang saluduhan ang bata dahil sa pagiging responasable nito sa murang edad. Sabi naman ng ilan, magsilbing aral sana ang larawan na huwag kalimutang tumulong sa mga kapuwang nangangailangan.

Loading…