Bida ang kilig: Maantig sa dalawang kuwentong ‘second chance’ sa pag-ibig, trending sa social media

  • May dalawa pang kilig at inspiring videos tungkol sa pag-ibig ang Jollibee Studios
  • Ang dalawang kuwento ay sumasaklaw sa mga kuwento ng ‘second chances’ sa l0ve
  • Milyon-milyon na ang views ng parehong video mula sa Facebook at YouTube

Maliban sa unang video na inilabas ng Jollibee para sa kanilang L0ve month special na ‘Space,’ mayroon pang dalawang short films na inilabas ang fast food giant na talaga namang nagbibigay ng kilig at pag-asa sa mga netizens ngayon.

Isa sa mga nasabing short films ay pinamagatang ‘#CoupleGoals’ at tungkol ito sa magkasintahan na parehong hardworking na mayroong limitadong oras lamang sa kanilang pagkikita. Magkasaliwa kasi ang kanilang schedule kaya naman sobrang saglit lamang sila kapag nagkikita.

Larawan mula sa Jollibee sa Jollibee Studios

Naging suliranin ito sa kanilang relasyon. Dahil sa hindi na sila nakapaglalaan ng oras sa isa’t isa, naramdaman nilang parang mayroon nang kulang sa kanilang pagsasama. Dahil dito, nagpasya ang lalaki na humanap na lang ng “iba” bilang solusyon sa kanilang problema.

Tila maraming netizens ang naka-relate sa kuwento ng short film. Agad kasi itong nag-viral sa iba’t ibang social media platform. Sa Facebook, umani na ito ng higit sa 3.7 million views kasama pa ang 133,000 reactions at 53,000 shares. Sa YouTube naman, mayroon na itong higit 20 million views.

Ang isa pang short film ng Jollibee Studios ay pinamagatang ‘Apart.’ Ito naman ay kuwento ng ex-couple. Masaya naman sana sila sa kanilang relasyon ngunit may mga panahong tila nakalilimutan ni Myles na mayroon siyang nobyo na si Ron dahil sa madalas niyang pagdedesisyon para sa sarili lamang.

Isang taon matapos ang kanilang paghihiwalay ay muli silang nagkita sa Jollibee. Kinakabahan mang parehas ay hindi sila nag-atubili na muling makumusta ang isa’t isa at muling makapagkuwentuhan. Matapos nito ay inilahad sa istorya ang ‘bagong’ minamahal ni Ron.

Larawan mula sa Jollibee sa Jollibee Studios

Umani rin ng maraming views ang nasabing short film. Sa Facebook ay nagtamo ito ng higit sa 7.5 million views at mayroon ding 260,000 reactions at 90,000 shares. Nasa trending videos din ito ng YouTube at habang isinusulat ang balitang ito, ay mayroon na itong higit 2.6 million views sa nasabing video streaming site.

Maraming netizens naman ang na-appreciate ang magagandang kuwento ng pagmamahalang handog ng Jollibee. Maliban kasi sa pagbibigay kilig sa mga manonood, nagbibigay din ng aral ang mga kuwentong ito na talaga namang hindi sayang panoorin.

Tunghayan ang dalawang kuwento ng pag-ibig mula sa Jollibee studios.

Hayaang ang kuwento naman nina Myles at Ron ang maghatid sa inyo ng aral:

Loading…