Bigyan ng pambayad ng bills!: Willie Revillame namigay ng pambayad ng tubig at kuryente

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube
  • Sinagot ng host na si Willie Revillame ang bills sa tubig at kuryente ng ilan sa kaniyang mga audience sa Wowowin
  • Upang mabigyan ng pambayad, dapat ay dala ng live audience ang kaniyang bill na malapit na ang due date
  • Laking pasasalamat naman ng mga nabigyan ng tulong, lalo na ang babae na may disconnection notice na mula sa Meralco

Kilala si Willie Revillame, ang host ng variety show na Wowowin, sa hilig niya sa pamimigay ng jacket at cash sa mga manonood. Ngunit kamakailan lamang ay idinagdag niya na rin ang pambayad sa bills sa mga listahan ng kaniyang ipinamimigay sa audience.

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube

Upang mabigyan ng pambayad, kailangang dala ng live audience ang bill na malapit na ang due date. “Sino ang mapuputulan ng kuryente? Ipakita ninyo ang [bill] ng Meralco,” sabi niya. “’Yan ang pagtulong, may pruweba.”

Marami ang sumubok na manghingi ng pambayad sa kanilang tubig at kuryente ngunit tinitignan ni Willie nang mabuti ang due date na nakalagay. Ang isa, sinubukang manghingi ng pambayad kahit Oktubre 2019 pa ang bill. “Budol ka…May imbestigador dito,” biro ng host.

Ang isang lalaking audience na may dalang bill ng tubig na hindi pa niya nababayaran, inabutan ni Willie ng P1,000.

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube

Samantala, isa pa sa mga nabigyan niya ng tulong ay ang babae na malapit nang maputulan ng kuryente. Jeepney driver daw ang kaniyang asawa at may tatlo silang anak.

“Disconnection na ito. Mapuputulan na,” sabi niya kay Willie. Upang hindi tuluyang maputulan ng kuryente ay kailangan niyang magbayad ng P1,500. Dahil dito, bukod sa jacket ay binigyan din ni Willie ang babae ng P2,000.

Ang netizens na nakapanood ng segment na ito, natuwa rin. Komento ni Stephen B., “Gipit ako ngayon. Panahon na ba para mag-iiyak ako sa harap ni Kuya Will?”

Biro naman ng isa, sa susunod daw ay bibilhin na rin ni Willie ang Maynilad at Meralco.

Panoorin:

Source :

YouTube

Loading…