Bikram yoga, pinakamainam na ehersisyo para kay Dr. Vicki Belo

  • Nagbahagi si Dr. Vicki Belo tungkol sa pinakaepektibong ehersiyo para sa kaniya
  • Sa edad na 64, natatangi para sa kaniya ang mga benepisyong natatamo mula sa Bikram yoga
  • Ang Bikram yoga ay isang uri ng yoga na isinasagawa sa isang silid na may mainit na temperatura

Bukod sa mga kagamitang pampaganda, iba pa rin ang benepisyong natatamo ng isang tao sa pag-eehersisyo.

Sa edad na 64, aktibo pa rin sa pag-eehersisyo ang founder at medical director ng Belo Medical Group na si Dr. Vicki Belo.

Imahe mula sa Instagram account ni Dr. Vicki Belo

Sa pagkakataong ito, ibinahagi ni Belo sa kaniyang Instagram account kung ano sa tingin niya ang pinakamainam na ehersisyo.

“People always ask me what I think the best workout is. I think its [Bikram yoga]. It detoxifies, develops strength, balance, flexibility, and tone,” ayon sa doktora.

Ayon sa Live Science, ang Bikram yoga ay isang uri ng yoga na “involves a sequence of set poses and usually done in a hot room at or above body temperature.”

Sampung taon nang ginagawa ni Belo ang Bikram yoga na nakatulong sa kaniya sa pagbabawas ng timbang at ang makatulog nang mahimbing.

“It also helps me lose weight and sleep better. Been doing it for 10 years and my body looks for it,” dagdag pa ni Belo,

Sa isang lumang Instagram post, sinabi rin ni Belo kung paano siya napakakalma ng ehersisyo.

“I love doing Bikram yoga. It stretches and lengthens my body… calms my mind and releases happy hormones,” aniya.

Bukod sa yoga, may dalawang tao na higit na nagpapakalma at nagpapasaya kay Belo. Ito ay walang iba kundi ang kaniyang asawa na si Dr. Hayden Kho at ang kanilang anak na si Scarlet Snow.

Imahe mula sa Instagram account ni Dr. Vicki Belo

Ganito naman siya ilarawan ng asawa ayon sa isang Instagram post ni Kho: “Strong yet gentle. Fierce yet compassionate. Childlike yet wise. When she loves, she loves fully. She gives generously without expecting anything in return. She finds delight in the delight of others.”

Hindi ba’t ang pagkakaroon ng ganitong inspirasyon ay isa nang magandang simulain para bigyan ng sapat na panahon ang sarili na mag-ehersiyo at pagandahin hindi lamang ang pisikal na anyo kundi ang kalooban?

Loading…